Sa Luke’s Hospital si Angel dahil sa patuloy na pagtaas ng kanyang lagnat.
Kuwento pa ni Luis Manzano sa mga pangyayari.
“Bigla na lang siyang nag-high fever. At she started throwing up, kasi ang taas ng fever niya, nagpu-40 siya, nagti-39. Then, nagto-throw up siya at nagsimulang ma-dehydrate siya,” kuwento ni Luis.
“Namumula talaga siya. Ang first findings talaga is dengue. Pero kumbaga, yun ang primary suspect, as of now, yun nga, dengue. Bumaba na yung fever pero they are still trying to look for the infection, kung saan talaga nanggagaling yung pagtaas ng white blood cells niya.”
Dahil sa mga sintomas na meron si Angel, dumaan siya sa series of tests para sa dengue. Ang isang taong walang sakit na dengue ay may platelet count ng dugo na 140-440, pero si Angel ay bumaba ang platelet count ng 120.
“Mahina siya. She’s not the typical Angel na makulit. Medyo nanghina lang siya ng konti. Pero she’s aware naman of everything. Nanghina lang. Wala kaming napansin kaagad na rashes kaya hindi namin napuna na dengue,” paglalarawan pa ni Luis.
Pangalawang beses na raw nagkaroon ng dengue si Angel. Una noong 2005, nang manggaling si Angel sa U.S.
Ngayon ay nakalabas na si Angel, dahil na rin sa kanyang pagpipilit, pinayuhan daw siya ng kanyang doktor na magpahinga ng isang linggo para tuluyan na siyang gumaling. Nagbilin din daw sa kanya ang doktor na huwag siyang lalabas ng bahay at magtrabaho dahil baka mabinat siya.