Angel Locsin bumibigay sa bigat ng mga intriga

    3914
    0
    SHARE
    Dahil sa matitinding intriga, hindi maiwasang maiyakl ni Locsin si Angel Locsin nang mag-guest sa The Buzz nu’ng Sunday para  magpaliwanag hinggil sa pagiging diumano’y pasaway niya lately.

    Pati kasi amang nanahimik nadalirot pa sa mga isyu sa kanya at ito ang matinding iniiyakan ng aktres. Inamin ni Angel, medyo may hindi daw sila pagka-kaunawaan ng ama dahil para raw itong naniniwala sa lumalabas na balitang siya’y lasengga. “Na hindi naman po totoo,” reaksyon pa niya

    Pero, okey na raw sila ngayon dahil naipaliwanag  na niya sa ama ang lahat.  Kailangan kasi sa character niya bilang isang Japayuki sa pelikulang gagawin nila ni Aga Muhlach ang pagiging lasengga. And kailangan daw niyang  ma-experience kung papaano ang malasing.

    “Okay na po kami,” sabi ni Angel. “Tatay ko pa rin siya. Anak pa rin niya ako. Kaya lang, ayoko lang kasi nu’ng mababahiran ‘yong  ilang taon kong trinabaho na makuha ko ‘yong trust ng tatay ko.

    “Tapos biglang mababahiran ‘yon ng duda dahil sa isang isyu na hindi mo alam kung saan nagmula,” may hinanakit na sambit ng actress.

    “Alam ko bilang isang artista, wala tayong kara-patan mag-react. Wala tayong karapatang masaktan. Kaya lang, hindi ko lang po maiiwasang masaktan kasi, siyempre, kahit artista ka, tao ka rin naman, eh. Lalo na kung hindi totoo. Ang hirap mag-explain,” sabi ni Angel.

    Puwede na ring sabihing isa sa mga iniiyak ni Angel ay yung napagbibintangang ang dati niyang manager na nagkakalat ng mga intrigang ikinukulapol sa kanya ngayon.

    May mga lumalabas na intriga ngayon kay Becky Aguila na siya ang pinagbibintangang naglalabas ng mga negative issues tungkol sa dati niyang alaga.

    Bitter daw kasi ito sa pag-alis ni Angel sa kanyang poder.

    Another thing, ang mga lumabas na negative issues kay Angel partikular na ang tsismis na lagi siya sa bar at naglalasing ay hindi na alam ni Tita Becky since hiwalay na sila nang time na sinasabing nakita ang young actress sa bar.

    Bukod dito, nang time na lumabas ang issue ay nasa hospital siya at nagkaroon ng major operation. Maiisip pa ba niyang manira at magpasulat sa reporters ng negative issue kay Angel gayung nasa piligro ang health niya?

    At kahit noong hawak pa niya si Angel, hindi siya nakikialam sa personal life nito maging sa iba pa niyang talents.

    Parehong sinasabi nina Angel at Tita Becky na maayos ang naging paghihiwalay nila kaya walang rason para intrigahin pa ang dalawa.

    Angel is happy now sa kanyang bagong manager na si Ethel Ramos at si Tita Becky naman, happy rin sa mga kaganapan lately sa career ng kanyang mga alaga. Kaya there’s no room for bitterness para sa dalawa lalo na sa part ng talent manager.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here