Ang ‘Ulat sa Bayan’ ni EdSa

    385
    0
    SHARE
    Kung magpapatuloy itong matapat na
    pagtalima sa tungkulin at iba pa
    na marapat bigyang pansin sa tuwina
    ng kagalang-galang na si Mayor EdSa

    Ano pa mang bagay na may kinalaman
    sa pamalakad niya at posisyong tangan,
    darating sa puntong siya’y mapabilang
    sa ‘World Class City Dad,’ gaya ng sinundan

    Pagkat tunay namang ang kanyang pag-ganap
    ng kanyang tungkulin naa-ayon lahat
    sa sinumpaan niya, na kanyang sinikap
    mapangalagaan ay magiging tatak

    Ng isang mabuting ‘government official’
    na handang tumupad sa lahat ng kanyang
    ipinangako sa mga kababayan,
    na anumang oras na siya’y kailangang

    Mamuno sa lahat ng mga marapat
    asikasuhin at mabigyan ng lunas
    partikular na riyan kung may kalamidad,
    at kung saan ‘active’ ang butihing ‘City Dad’

    At lahat na ng kanyang ’12-point agenda’
    ay matagumpay na nagawa ni EdSa
    sa tulong ng mga Department Head niya
    at ng karaniwang mga empleyado pa.

    Isa si ‘yours truly’ sa mga dumalo
    sa SOCA ni Mayor noong treynta’y uno
    ng nakaraang buwan kaya dinig nito
    ang Ulat sa Bayan ni Mayor Santiago.

    Na sa ganang aking sariling pananaw
    ay di ‘papogi points’ lang ng ating Mayor
    ang mga sinabi niya sa oras na iyon,
    kundi ng ika nga’y sadyang naa-ayon

    Sa tunay na naging ‘performance’ talaga
    at katuparan mga pangako niya
    noong kasagsagan ng pangangampanya
    ni Mayor hanggang sa siya’y maupo na.

    Pero sa loob ng halos tatlong taon
    na niyang pagkaupo bilang City Mayor,
    ay tunay naman siya’y naging ‘Man of Action’
    dala ng siya ay ‘taga-sa-panahon’

    At talaga namang isang mahusay na
    ‘public servant’ ang ating si Mayor EdSa,
    na posibleng sabi’y bukas-makalawa
    ay mapabilang sa ‘The best’ sa Pampanga.

    Kagaya ng pagiging ‘The best City Dad
    the city of San Fernando (P) ever had;
    Tulad ni Cong. Oca, sa’ting isinulat
    na ‘article’ sa panahong nakalipas.

    Tulad din ni EdPam ng Angeles city,
    nina Davao mayor Rodrigo Duterte
    at Guerrero ng Floridablanca pati,
    na talaga naman ding kapuri-puri

    Sa panunungkulan, na maihahambing
    kay ‘Nanay Baby’ sa tawag ng tungkulin,
    na makasampu man niyang ulit-uliting
    humabol ay gustong-gusto pa rin natin.

    Kaya nga’t kung minsan ating nasasabi
    na itong limit lamang sa ‘3 terms’ kasi
    ang ‘terms of office’ ng lahat di mabuti
    para sa tunay na matapat magsilbi.

    Pero para sa di mabubuting tao
    ay mahaba na ang kahit isang linggo,
    ang itatagal n’yan sa alin mang puesto
    pagkat ang dulot ay tiyak na kalbaryo!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here