(KARUGTONG NG SINUNDANG ISYU)
NITONG tinatawag na ‘industry practice’
Sa broadcast, na ang isyu ay ‘premium minutes’
Ng broadcaster upang ga’no man kaliit
Ay kumita mula sa nagpa-advertise
Sa pamamagitan ng ibinibigay
Na ‘premium minutes’ na ibinebenta niyan
Sa advertisers at ilang indibidual
Para magkaroon ng dagdag na ‘income’.
Matagal-tagal na ang kalakarang yan
Sa ‘radio broadcasting’ at ‘TV commercials’
Pero ano’t ngayo’y sinasabi nilang
Labag sa batas ang bagay na naturan?
Sa totoo lang ay mas makabubuting
Payagan ang media na magkaroon din
Nitong lehitimong marapat kitain
Mula sa programa nila at sulatin
Maliban sa sahod nilang nakukuha
Dahilan na rin sa itong pagbebenta
Ng ‘premium minutes’ at ads na nakukuha
Ay nakapipigil sa kanilang rota
Para maka-ikot sa kinukuhanan
Ng balita at/o kinakapanayam
Upang humingi ng datos na kailangan
Para mai-ere o lathalain man.
Walang pinag-iba yan sa pangangalap
Ng ‘advertisements’ at mga ‘commercial ads’
Na lubhang kailangan sa pamamahayag
Upang kumita at magawang magbayad
Ng maayos sa kanilang manunulat,
Reporters, broadcasters at iba pang staff,
Na siyang buhay at mahalagang sangkap
Sa ating industrya ng pamamahayag.
Dahilan na rin sa kung walang negosyo
Ng kahit anumang uri ng produkto,
Saan kukunin ng istasyon ng radio,
Dyaryo’t TV network ang pangsueldo nito
Sa mga broadcaster, reporter, columnist
At iba pang staff sa kanilang office
Kung walang sponsors itong media outfit,
Na kagaya nitong sa ‘broadcast and in print?’
Na siyang sa ‘commercial ads’ o patalastas
Sa mga produkto, paninda at lahat
Ng sponsors, na siyang kwenta nagbabayad
Sa ‘airtime’ sa radio, TV at sa ‘print ads’
Kalakaran din sa industryang naturan
Na ang mga may malalaking pangalan
Sa pagbabalita ay inaatasan
Mismo ng networks na pinaglilingkuran
Upang mag-solicit o humingi sila
Ng ‘commercial ads’ sa mga kakilala
Na malalapitan, liban sa iba pa
Para magkaroon ng sapat na kita.
At sa totoo lang ay wala rin namang
‘Media outlet’ itong tatagal ang buhay
Sa pamamahayag kung sila ay walang
Mga ‘advertisements’ o kaya komersyal
Pero ang komersyal na ito ay nasa
Iba’t-ibang anyo – at dito’y kasama
Ang ‘premium minutes’ na nakalaan para
Sa broadcasters, reporter at kolumnista.
Kapag ang komersyal, ads at ‘premium minutes’
Sa pamamahayag ang wari’y inalis,
Tiyak, ang Media ay hindi na pipintig
Ang panulat nito’t matatag na tinig!