Ang ‘starlet ek controversy’…bow

    385
    0
    SHARE
    Napaka-controversial naman nung simpleng nasulat na starlet pa lang si Glaiza De Castro. Kung bakit lumiko-liko ang istorya gayung ang ibig lang naming sabihin noon ay yung hindi pa naman kalakihang artista si Glaiza De Castro. Na true naman po, di ba?

    Kami, napanood naming si Glaiza sa Still Life at talga namang mahusay siyang artista. Naniniwala kaming marami pa siyang pagdadaanang magagandang roles at isang araw ay puwede na siyang tawaging tunay na star.

    Pero at this point, Glaiza is still in the starlet category, yung marami pang kakulangan para nga tawagin siyang tunay na star.

    Kaya kung kami yung mga taga-kampo ni Glaiza, tanggapin na lang ng buong ninging. Inuulit namin, hindi naman po negative na maging isang starlet, more so, kung kay Glaiza ipinatutungkol ito.

    Yes, Glaiza is a star to be, lalo na nga kung magkakaroon ng follow up ang mga maniningning na projects na nagawa na niya.

    Noong araw, without really trying, nakasakit din kami ng isang kaibigan when we also addressed her as a starlet. Hind na naming sasabihin kung sino siya pero sa ngayon, aktibo pa siya sa industrya at kung hindi man siya nagningning nang husto, na-emancipate naman niya’ng sarili sa starlet category.  She proved us wrong sa pagdating ng panahon at ngayon nga, isa na siyang respetadong aktres.

    Inuulit namin, hindi na naming sasabihin kung sino siya, suffice to say na noong sabihin namin yung komentong starlet lang siya, she was still in the brink of starhood. Kulang na kulang pa, kumbaga.

    Kya Glaiza, tanggapin lang ng buong ningning and just do your best to prove these people wrong.

    So there!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here