Ang SOCA ni Oca sa kabalen ngayong 2011

    429
    0
    SHARE

    Sa SOCA o ‘State of the City Address’
    Na binigkas ni Mayor Oscar Rodriguez
    Nitong nakaraang Lunes o August 8,
    Sa akin, di ga’nung malinaw – ang Congress

    Ay tinukoy niya at/o nagpasaring
    Na siyang target nito ‘comes year 2013’
    (Gaya na lang nitong nabasa po natin
    Sa ibang pahayagang lokal dito sa tin).

    Kundi ang pabirong baka pang-nasyonal,
    Kung di sa Senado ay sa Malakanyang
    ‘As cabinet member’ ni P-Noy, kundi man
    (Posibleng higit pa sa kanyang tinuran?)

    Ang ilan sa mga posisyong nabanggit
    Ni Oca sakali’t di ‘Representative’
    Para sa ikatlong distrito ng ‘Province
    of Pampanga’ itong nais na masungkit.

    Pagbaba niya bilang alkalde ng siyudad
    Ng San Fernando at pamuling haharap
    Sa bayan upang ang pagsisilbing tapat
    Na nasimulan ay kanyang mai-angat

    Sa mas mataas pang antas ng serbisyong
    Pambayan matapos pagsilbian itong
    Pinaka-popular na siyudad sa ngayon
    Ng ating ‘subject’ na ‘World Class City Mayor”

    Na nagampanan ng buong kahusayan
    At katapatan ang tungkulin sa bayan;
    Kung saan pati na pang-internasyonal
    Na ‘award giving body’ ay hinangaan

    Ang kalinisan niya sa pamamahala
    Kung kaya lubos ang kanilang tiwala,
    Na ang isang katulad ni Mayor Oca
    Ay maituturing na yaman ng bansa.

    At posibleng gaya niya ang mag-aangat
    Sa kalagayan ng mga mahihirap,
    Tulad nang ngayon ay pagtaas ng antas
    Nitong kabuhayan ng nasa ‘middle class’

    Ng siyudad mula disinuebe porsyento
    Ay tumaas hanggang kuarenta porsyento,
    Ang dating kalagayan ng mga ito
    Mula nang mag-mayor siya ng San Fernando.

    Ang ‘poorest of the poor’ nating tinatawag
    Ay lumiit din ang bilang n’yan sa siyudad,
    Sanhi ng programang ipinatutupad
    Ni mayor Oca sa mga kapos-palad.

    At pagbibigay ng tulong na pinansyal
    ‘In terms of loan’, na kung saan kahit utang
    Ay walang interes na binabayaran
    Ang gustong humiram ng mapupuhunan.

    Ang ‘Sagip Ilog’ na proyekto ni Mayor
    Ay matagumpay din nitong naisulong;
    Kaya umulan man ng malakas ngayon
    Di na babahain ang lubugin noon

    Pagkat ang dati ay mga nagtayuhang
    Istraktura nitong ‘informal settlers’ diyan
    Ay pinagiba na ng Pamahalaang
    Lungsod sa bisa ng isang kautusan

    Na ang nilalayon nito’y mapaalis
    Ang mga ‘squatters’ nito sa paligid
    Na siyang nagsisilbing malaking balakid
    Upang bumilis ang pag-agos ng tubig.

    (May karugtong)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here