Home Opinion Ang People’s Power noon, at ang People’s Power ngayon

Ang People’s Power noon, at ang People’s Power ngayon

949
0
SHARE

PEOPLE’S POWER REVOLUTION sa taong 1986

na kung saan ang pangulong si MARCOS ay napatalsik

sa panahon natin ngayon tila malabong MAULIT 

na ang ating PRESIDENTE sa pwesto ay mapaalis

pagkat ang katapattan ng ARMED FORCES OF THE PHILPPINES

mananatiling matatag sa KONSTITUSYON sasandig

2.

Noong araw, ang lahat ng PILIPINO’y nagkaisa

upang mabigyan ng daan ang hangad na DEMOKRASYA 

nais nila ay mabago yaong bulok na SISTEMA 

dahil sawa na ang tao sa gubyernong DIKTADURYA 

at ang EDSA REVOLUTION ang ginamit na sandata

payapang pamamaraang uri ng PAKIKIBAKA

3.

At dahil sa pagkamatay ni dating SENATOR NINOY

ay nakuha ang simpatya nitong mamamayang PINOY 

pati mga kaalyado dati ng pangulong MACOY

sumali rin sa malawak at payapang DEMONSTRASYON 

buong mundo’y nakamasid kung saan nga ba HAHANITONG 

ang naganap na protestang unang EDSA REVOLUTION

4.

Sa panahon ni ARROYO ang EDSA DOS ay naganap

at matagumpay din naman na napatalsik si ERAP

ang ganyang sistema noon lagi ang nagiging ARMAS

upang mga nakaupong pangulo ay MAPABAGSAK

tila baga nauuso ang ganitong PANININDAK

ng mga mamamayan ng INANG BAYANG PILIPINAS

5.

Subalit kung IHAHAMBING ang nangyayari sa ngayon

ibang-iba talaga sa nakalipas na PANAHON 

mga tao’y watak-watak sa pananaw at UPINYON

at lito ang PAG-IISIP kung kanino sasang-ayon

sa mga NAGLULUNSAD ba ng protesta’t demonstrasyon? 

o sa mga  taong nasa panig ng  ADMINISTRASYON ? 

6.

At sa mga nagaganap na mga KILOS PROTESTA 

puro PANINIRA lang ang maririnig sa kanila

na kung pakasusuriin may BAHID ng pulitika

ang kanilang panawagan na tayo ay MAGKAISA

at sa mga PAG-AAKLAS na inilulunsad nila

nanganganib MAWASAK ang daloy ng ekonomiya

7.

Lalo’t tila LUMILIHIS sa tunay na adhikain

ang kanilang DEMONSTRASYON kung matamang iisipin

bakit hindi ang korapsyong TALAMAK sa bansa natin

ang kanilang IPAGLABAN na siyang dapat bigyang pansin

hindi ang panawagan na sa pwesto ay PATALSIKIN

ang presidente ng bansa na tangi nilang LAYUNIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here