NASAAN na nga ba ang para sa seniors
na anim na buwan nang di naringan itong
DSWD kung kailan ang pension
nila makukuha sa takdang panahon?
Na isang taon ang halagang katumbas
sa ayuda r’yan ng mga nakatanggap
na tig-pitong libong ayuda, pataas
ang mga maswerteng naambunan ng SAP.
Gayong itong seniors na sila ang paksa
ng ating isyu ang higit kaipala
ang siyang unang dapat mabigyang biyaya
bago itong iba na malakas pa nga.
Kakaunting barya lang na tulong pinansyal
ng tanggapang ito hindi maibigay
ng ‘cash’ sa ’ting mga seniors ang halagang
‘Php 1,500.00 every three months?’
Na lilimang daang piso ang halaga,
nito isang buwan at ito’y wala pa
ngang beinte pesos ang para sa kanila,
kung i-‘divide’ sa treynta dias di ba?
Pero di magawan ng akmang paraan
para makuha yan tuwing katapusan
nitong mga seniors, na di magtatagal
libingan ang tiyak na patutunguan.
Gaano na itong paglaanan sila
ng pamahalaan ng kaunting halaga
na di bababa sa tatlong libo sana
kada isang buwan bago mamahinga.
Kaysa, ipalamon ng ating gobyerno
sa mga kawatan at mga dorobo,
na gaya ng ‘billions’ na ninakaw mismo
sa Philhealth ng mga opisyales nito.
At marami pa r’yang kung sila’y tawagin
ay bantay-salakay at maituturing
na malubhang cancer sa lipunan natin
na ginagalawan ng sa bayan taksil.
Na di maasahan na ipagtatangol
ang bayan laban sa mga mandarambong,
kundi bagkus sila r’yan ang patuloy
na kinikikilan ang bansa ng ‘billions’.
Gaya ng ginawa ng mga opisyal
nga ng Philhealth kahit bilyons ang ninakaw
pero pinagbitiw lang sa katungkulan
ng Palasyo, imbes sila ay kasuhan?
Gayong malinaw na sila’y nagkasala
ng napakabigat sa’ting republika
itong masahol pa sa higanteng linta
kung sipsipin n’yan ang kwartang di kanila?
Sa puntong ito kung tayo ang tatayo
bilang hukom bitay gulpihin sa palo
hanggang sa ang bawat isa ay mapugto
ang buhay kapagka ubos na ang dugo!
At di sa kung alin ang dapat mabigyan
ng tulong ang siyang napag-iiwanan,
sa mata at tungki ng ilong kung minsan
nitong ating ‘big boss’ diyan sa Malakanyang?!