Home Headlines ANG PAMANA

ANG PAMANA

731
0
SHARE

(Halaw sa tulang “Ing Pamana” ni Jose
M. Gallardo ng Candaba, Pampanga na
isinalin sa Tagalog ng inyong abang
lingcod, Felix M. Garcia ng San Simon)

pawisan si Lolo nang aking lapitan
di kalayuan sa aming likod bahay;
sa nangangatog na’t mahihinang kamay
naglitawang ugat ang nakabalatay;
at sa bawat hampas ng taktak na tangan
malalim na singap ang naka-hantabay.

Sa hubad na dibdib na pispis na’t payat
tadyang ang siyang unang mapapansin agad;
sa pagkakalitaw, animo nga’y ugat
ng punongkahoy na taon na ang edad;
nang dahil sa tanda’y gumaspang balat
nangulurut na rin, nagkaluwag-luwag.

“Lolo,” ang wika ko, “nagpapagod ka pa.
bakit di na lamang kayo mamahinga?”
“Apo” ika sa akin “hangga’t kaya ko pa
nais kong itanim ang santol at manga,
saka itinuro ang nakahilera’ng
iba’t-ibang punlang nasa mga lata/

“Lolo” ang sabi ko “sa edad ninyong yan
di nyo na marahil mapakinabangan”!
“Alam ko, Apo ko” sagot niyang marahan,
ngunit di sarili ang paglalahanan;
kundi bagkus kayo ang paglalahanan,
na siyang aani ng magiging bunga niyan!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here