Home Opinion Ang masamang epekto ng kaunlaran sa buhay ng tao

Ang masamang epekto ng kaunlaran sa buhay ng tao

947
0
SHARE

MULA magkaisip hanggang humigit sa
otsenta anyos ang edad ni kasangga
ang dami ko na r’yang imbensyong  nakita
na gawa ng Japan at ng Amerika;

At ng ibang bansa na maituturing
din namang henyo sa husay n’yan at galing
sa pag-imbento ng iba’t-ibang klaseng
bagay na gaya ng ‘robot’ at ‘gadget’ din.

Na animo’y tao na puedeng utusan,
nagsasalita at marunong din namang
maglakad ang una na aking tinuran,
bahagi na ng ‘world history’ ang ganyan.

Sa panahong ito may mga otel na
at mga restoran na ang serbidora
mga ‘robot’ na nga’t lubhang dehado na
ang bilang ng ‘humans’ nakaka-alarma.

At ito rin namang pambihirang ‘gadget’
na imbes sa tao magbayad sa NLEX
at SLEX ng ‘Toll Fee’ sa alin mang ‘Tollgate,’
prepaid RFID na ang kwenta ‘Ticket’.

Ilang ‘Toll Attendants’ itong sa nasabing
mga ‘super highways’ ang sa tingin natin
nawalan ng tiyak na pagkakitaan din
sanhi nitong ‘high tech’ na teknolohiya rin?

Dati, itong ‘Converge Internet Provider’
d’yan sa Apalit ay may ‘permanent Casher,’
na siyang tumatanggap nitong ‘monthly payment’
ng ‘customers’ nito… ‘big savings for Converge’!

Na kagaya nga r’yan ng punto de vista
ng aba n’yong lingkod na ito ay bunga
na ng kaunlaran, na tinatamasa
ng nakararaming mga mukhang pera.

Kung ito’y epekto man ng kaunlaran,
ng syensya at tagong interes ng ilang
imbentors na basta kumita lamang yan,
binabale-wala ang pangkalahatan;

Mas makabubuti na itong pag-unlad
ng syensa at iba na kahalintulad
d’yan ng ‘high tech gadget, itigil na dapat
ang pag-‘produce’ pagkat sa ‘labor’ ay tadyak.

Aanhin ang sobra sa dapat marating
ng mga imbensyong pamatay sa ating
kabuhayan at sa kinabukasan din
nitong di pa man ay pinapatay na rin.

Di ko sinasabi na itong pag-unlad
ng syensya at ilang imbensyong di dapat
gawin, sa dahilang pamatay at sukat
sa pamumuhay ng mga mahihirap.

Paano na sila kung lahat na nga r’yan
ng mga gawain ‘gadget’ na ang siyang
magpapakilos sa lahat ng tanggapan
at ‘robot’ na rin ang magtrabaho bilang?

Kung yan ang magiging masamang epekto
ng kaunlaran na balot ng insenso
nang  kawalang buti n’yan sa ibang tao,
saan na ang buhay nila patutungo?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here