WALONG buwan pa bago sumapit ang takdang
araw ng lokal at pambansang halalan,
pero hayan kita na itong lantarang
pagiging Epal ng mga tatakbo riyan.
Partikular itong ang ambisyon nila
ay ang ‘seat of office’ na siyang pinaka-
mataas na puestong tinatarget nina
Lacson, Marcos, Paquiao, Isko, Inday Sara.
At itong si Bong Go, na hinihikayat
ni pangulong Digong, na siya’ng isabak
sa pampanguluhan, kaysa itong anak
na babae ang sa labanan isabak.
Dahilan sa ani Pangulong Duterte,
sa pagka-pangulo, ang isang babae
mahihirapan sa trabahong lalaki,
na tulad nga r’yan ng pagka-presidente.
At lalong di dapat, na itong si Inday
ay ituloy nito ang pagtakbo bilang
pangulo sapagkat ang mahal niyang Tatay
tatakbo bilang ‘Vice’ ni Go, kaya ayaw.
Lima na, sa ngayon’ itong hindi pa man
umpisa ng ‘campaign period’ naririyan
na at maririnig itong iba’t-ibang
isyu na wala rin namang katiyakan.
Partikular na sa isang nangunguna
sa survey, na itong butihin niyang ama,
inakusahan ng pagnanakaw, di ba
napatunayan nang inosente pala?
At ang anila ay kanyang kinulimbat
na ginto sa ‘basement’ ng ating Central Bank
ay pag-aari niya, na ipinambayad
ng angkang Tallano sa kaso niyang hawak.
Inihayag na ang bagay na naturan
sa ‘social media’ at mga pahayagan,
kung saan ang mga tone-toneladang
ginto nina Marcos ay nasa Switzerland.
At sa ibang mga malalaking bangko
na pinaglagakan ng di lamang libo,
kundi ng ‘metric tons of gold’ ayon mismo
kay Madam Imelda na di nakaw ito.
Hindi sa isyung yan, si Marcos ay ating
sa mata ng bayan gustong palitawin
bayani at hindi marapat sikilin
lsa kung anong naging akusasyon natin.
Kundi nang dahil di napatunayan
ng alin mang Korte na ‘convicted’ nga yan,
sa kung anong kaso na ibinibintang,
kaya nga’t absuelto pati pamilya niyan.
At lalong di dapat idamay si Bongbong
sa anumang naging atraso ni Macoy,
pagkat kinse anyos pa lamang si Bongbong
nang ideklara ni Apo ang ‘martial law’.
At kung nagkasala man si Apo Lakay,
ang mga anak ay di dapat idamay,
na gaya ni Bongbong o ng sino pa mang
kapamilyang nais makapanungkulan!