KAAYA-AYA sa mata kung pagmasdan
ang pagpapagandang ginawa ni EdPam
sa ‘heritage district’ nitong kabayanan
ng Angeles city sa kasalukuyan
Partkular na r’yan sa dakong malapit
sa Simbahan mismo at nakapaligid
na gusali’t mga ‘business entities,’
sa kwenta sentro ng lugar na nabanggit.
Gumanda’t luminis ang kapaligiran
partikular sa may dako ng Simbahan
ng siyudad dulot ng mga pinagawang
pagpapa-ayos sa Museong pambayan.
Na isinagawa ng napakasipag
na Alkalde mismo ng nasabing siyudad,
na kung saan itong nagsabit na kawad
at kable sa poste pinaalis lahat
Nang sa gayon itong masakit sa mata,
na animo’y spaghetti mawala na,
at ang pamamasyal sa pinakaplaza
ng lungsod ay kasabikan sa tuwina.
At talaga naman ding kapuri-puri
sa lahat na itong proyektong nasabi
ng butihing Mayor ng Angeles city,
dahilan na rin a walang kupas pati
Ang taos sa puso niyang paglilingkod
sa kanyang ‘constituents’ at mga kalungsod,
kailanma’t mayroong nagbabantang unos
na paparating ay di siya natutulog.
Pagkat siya mismo’y kusang lumalabas
ng bahay upang ang paligid ng siyudad
ay personal niyang makita kung ligtas
ang kabalen kapagka may kalamidad.
Tulad nitong kailan lang ay hinagupit
tayo ng bagyong si Glenda, nagpumilit
lumabas si Mayor para lang masilip
ang nasasakupan na puedeng manganib
Sa matinding bayo ng napakalakas
ng hanging dala ng bagyong nakalipas,
kung saan si Mayor ay kasama’t sukat
ng mga namulot ng maraming kalat
Na basura’t saka mga nagliparang
yero at iba pang nagkalat sa daan,
na posibleng ikapahamak ni EdPam
sa oras na iyon kung siya’y tamaan.
Kuha ang aktual na ‘footage’ o litrato
ni Mayor, na aming nilathala mismo
sa ‘front page’ ng ating pahayagang Punto
na lumabas niong nakaraang linggo.
Ganyan kalingap ang butihing Alkalde
sa kanyang constituents kung kaya marami
itong sa kanya ay malayong nagsisi
na siya ang kanilang inidolo pati
Bilang city Dad ng mga Angelenio
na lubhang malingap at maasikaso
at laang ibigay ang kanyang serbisyo
ng bukal sa puso’t buong pagkatao.
Di pangangampanya itong kay ‘yours truly’
para kay Mayor Ed sa puntong nasabi,
kundi kumbaga ay tapat pagsasabi
na siya ay tunay na kapuri-puri;
At taglay ang kasabihan ng marami
na ang taong may respeto sa sarili
ay lubhang mapili at maingat pati
sa pag-istima ng di ikabubuti!