Andrea Torres proud sa kanyang sexy pictorial sa magazine

    565
    0
    SHARE
    Nag-post ng two pictures si Andrea Torres sa Instagram (IG) na galing sa photobook niyang Road Trip at makikitang sabik na ang kanyang fans na makakuha na ng kopya ng libro sa rami ng likes at comments sa dalawang litrato.

    Puro positive ang comments sa two pictures, lalo pang magugustuhan ang libro ng bibili nito dahil 100 different pictures na kuha ng fotog na si Jay Tablante ang makikita nila for P195 only. Hindi photoshopped at hindi ginamitan ng ilaw ni Jay ang two-day pictorial ni Andrea, kaya natural ang dating.

    Kaiinggitan ang 36 (cup D)-24-36 vital statistics ng aktres na makikita sa Road Trip.

    Ten times sexier ang pictorial niya rito kesa ginawa niya sa FHM at may picture na apron lang ang suot niya, kaya bumili na!

    Mabibili ang Road Trip starting September 18 for P195 at available sa launchautograph signing ni Andrea sa Sept. 19 sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center, MOA.

    Marami na naman ang maiinggit nito kay Sef Cadayona, ang rumored BF ni Andrea, pero sabi ng aktres, hindi niya ito bibigyan ng free copy ng Road Trip, bumili raw ito at saka niya pipirmahan.

    Samantala, nalaman naming sa November pa ang airing sa GMA-7, ng miniseries na ginawa nina Andrea at Mikael Daez sa Cambodia, pero hindi na Blood in Dispute ang title kundi Fight For Love. Ang balita pa, may kasunod ng project sa Cambodia sina Andrea at Mikael dahil successful ang first project nila together.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here