NGAYON pa lang ay excited na si Andrea Torres sa kanyang leading man na si Christian Bautista. Feel niya ang kabaitan ni Christian. Bukod pa sa hanga siya sa kabanguhan ng actor. May nakasama na bang actor si Andrea na pabaya sa kanyang hygiene?
Nang tanungin namin about sa hygiene ng actor na nakasama niya, natawa lang si Andrea.Tapos, quiet na lang siya. Basta, pag-usapan na lang daw si Christian.
Sa anim na araw nang taping ng With A Smile, wala siyang masabi kay Christian. Super gentleman para sa kanya ang actor. Tingin niya’y laging bagong paligo.
Challenging ang role ni Andrea sa With a Smile, na magsisimulang i-air sa June 24. Isang cook ang role niya rito.
Kinailangan pa niyang mag-training under Chef Boy Logro.
Sa totoong buhay, ‘di pa siya interesado sa pagluluto. Wala naman daw siyang boyfriend ngayon. Kaya wala pa siyang ipaghahanda ng pagkain.
Ani Andrea: “‘Pag nagkaboyfriend na muli ako o kapag mag-aasawa na ako, doon talaga gagawin kong career ang pagluluto.”