Andi Eigenmann nag-garage sale para makatulong sa Tacloban

    372
    0
    SHARE

    SI ANDI EIGENMANN yata ang may pinakamaraming ginagawang tulong para sa biktima ng bagyong Yolanda sa rami ng activities na binanggit sa presscon ng When The Love Is Gone ng Viva Films.

    To think na wala siyang kilala sa Leyte at ibang affected areas. Nagpa-pack siya, may rummage sale, nanghihingi ng donation at sa December, pupunta siya ng Tacloban dahil gustong makatulong. Anyway, isa sa mga eksena na tatatak sa tao sa When The Love Is Gone ay nang sampalin sa mukha ni Andi ng pie si Cristine Reyes.

    Isa rin yata ang eksenang ’yun kaya umabot na sa 2M hits sa YouTube ang trailer ng movie. Sa Glorietta at SM Megamall ang premiere night sa Nov. 26.

    Naniniwala si Andi that Cristine is one of the best actresses in their generation. Sagot ni Cristine, hindi pa artista si Andi, kilala na niya dahil ipinakilala ni Jaclyn Jose sa kanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here