ISA SI Andi Eigenmann sa mga kontrabida sa Dyesebel kaya naman sa presscon ay natanong siya kung bakit niya tinanggap ang role gayung nasa lead role category na siya.
“The very reason why I accepted the role was because I know I will enjoy it. Hindi ko naman po tatanggapin ang role kung sa tingin ko hindi ako mapapabilang sa isang kwentong napakaganda, na susubaybayan ng mga manonood, at kung hindi itong set of people (the cast of Dyesebel) ang makakasama ko,” she said.
Natanong din si Andi kung hindi ba siya naghangad ng makuha bilang Dyesebel since bagay din naman sa kanya na gampanan ang nasabing iconic role. “Siyempre po, I’d be honest, lahat naman po ng babaing artista, hahangarin na siya ang maging si Dyesebel.
Pero okay lang din po sa akin kung hindi dahil Anne more than deserves it. She’s very beautiful and kaya niya pong gampanan ang pagsasabuhay sa Dyesebel. “And ’yung akin lang po, masaya na ako na parte ako dahil ang hangad ko po sa pagpasok sa industriya ay hindi para maging bida.
Ang hangad ko po sa industriya ay maibahagi ko po kung ano ang kaya kong gawin. And I believe in this concept and so, I’m honored to be a part of it,” say ni Andi. Dahil sa bonggang sagot ng young actress, pinalakpakan siya ng fans and entertainment press na naroroon sa presscon.