Anak ni Vicky Belo maligaya sa kasawian
    sa pag-ibig ng ina

    507
    0
    SHARE
    Kung saan saan na napunta yung isyung nagkahiwalay na nga sina Dr. Vicky Belo at ang lover niyang si Hayden Kho. Dawit pa si Katrina Halili na mismong si Hayden ay umaming talagang nagkaroon sila ng sexual relationship. Kumbaga, hindi man tuwirang sinabi ni Hayden, nagtikiman lang silang dalawa ni Katrina.

    Bukod kay Katrina, marami pang ibang babaing dawit sa isyu. “Naging taksil ako sa kanya,” sabi pa ni Hayden.

    Umaasa si Hayden na sana, sa mabuti pa rin magwakas ang lahat. Na sa banding huli mapatawad siya ni Vicky at iayos ang kanilang affair at ipagpatuloy ang kanilang love story.

    Pero hasos imapsible nga ito dahil sa ngayon, tila sumuko na si Vicky Belo na nanatiling tahimik sa gitna ng mga pangyayri. Binawi na ni Vicky ang mga kayamanang bigay niya sa lover na nagpapatunay na nagising na ito sa katotohanan. Bukod dito, hawak din daw ni Vicky Belo ang isang matinding ebidensyang naging taksil nga si Hayden sa kanya at ito ay ‘yung sex video na kung saan nakikipagtalik nga si Hayden sa ibang babae.

    Meanwhile, isang tao ang tuwang-tuwa sa paghihwalay nina Dr. Belo at Hayden Koh. Ito si Cristalle, ang anak na babae ni Dr. Belo. Day one pa lang daw kasi ng romansa ng dalawa, tutol na ito, danga’t wala lang itong magawa. Pero ngayong naging magulo ang lahat at naging makontrobersya pa, labis na natutuwa si Cristalle at umaasang tuluyan na ngang nagising sa katotohan ang dakila niyang ina.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here