Nakilala ang isa sa napatay na si Ronnie Etora, tubong Aklan, samantalang ang sugatan na nasa Bulacan Medical Center ay nakilalang si Richard Sto.Tomas, 31 anyos, residente ng Baliuag, Bulacan, at ang isa pang suspek ay hindi pa nakikilala.
Ayon kay Senior Supt. Allen Bantolo, OIC provincial director ng Bulacan, nilooban ng mga suspek noong Lunes bandang 8:45 ng gabi ang Marah Rice Center sa Barangay Sabang, Baliuag, Bulacan, na umanoy pag-aari ng hindi pinangalanang negosyante na anak ni Gen. Querol.
Aniya, may nagparating sa kapulisan ng nagaganap na holdapan at agad na rumesponde ngunit nanlaban ang mga suspek na nagresulta sa pagkakapatay sa dalawa sa mga ito samantalang nakatakas ang isa pang sugatang suspek na agad na tumakbo sa ospital.
Nagtangkang tumakas ang dalawang napatay na mga suspek gamit ang dalawang motorsiklo ngunit hindi na ito nakaligtas sa mga pulis.
Narekober mula sa napaslang ang dalawang kalibre .38 baril at isang granada at ang P84,000 na tinangay mula sa biktima.
Ayon naman sa mga kaanak ni Sto. Tomas na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Bulacan Medical Center, tinamaan lamang ng ligaw na bala ang suspek habang dumadaan sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
Ang bangkay naman ng dalawang nabaril ay kasalukuyang nakalagak sa A. Doon Funeral Homes sa bayan ng Baliuag.