GAANO ba kahirap ang maging anak ng isang overseas Filipino? Para kay Jhared Magtabog—anak ng isang domestic worker sa Japan—puno ito ng lungkot at pangungulila, lalo na dahil minsan lang sa isang taon nakakauwi sa Pilipinas ang kanyang ina. Pero sa tulong ng kanyang matatag na pananaw at ng BDO Unibank, nabawasan ang kanyang lungkot at napalitan ng saya at pagpapahalaga.
Kamakailan ay napili ng BDO at SM ang pamilya Magtabog sa pangunguna nina Jhared at kanyang tiyahin na si Dolores Castaned bilang recipient ng surprise free shopping spree sa formal launch ng Kabayan Tuesday sa SM City Caloocan.
“Napakabait po at napaka-generous. Grabe po dahil pina-experience nila ang ganito sa amin. Napakalaking tulong din po kasi talagang malungkot kami sa bahay, at dahil sa free shopping spree, nakalimutan ko ang lungkot sa buhay. Nagulat po kami doon, bigla na lang kaming pinaakyat ni Piolo Pascual,” ani Jhared. “Grabe po yung experience, napakasaya po. Sobrang grateful po kami.”
Kabayan Tuesday para sa overseas Filipinos
Ang Kabayan Tuesday ay programa ng BDO bilang pasasalamat sa mga overseas Filipinos sa kanilang patuloy na tiwala sa bangko. Sa ilalim nito, tuwing unang Martes ng kada-buwan, makakukuha ng hanggang 10% discount ang mga holder ng Kabayan Savings ATM card, passbook, o BDO remittance payment slip sa mga SM stores tulad ng The SM Store, SM Appliance, Watsons, Miniso, Toy Kingdom, Surplus, Baby Company, Sports Central, ACE Hardware, SM Cinema, SM Game Park, SM Bowling, at SM Skating sa kahit saang SM branch.
Sa pamamagitan ng Kabayan Tuesday, hindi lang nakakabili ang mga overseas Filipino families ng kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan tulad ng gamot at kagamitan sa bahay, nakakatipid pa sila dahil sa diskwentong nabibigay nito.
Nagsimula ang Kabayan Tuesday noong January 2 at pormal na inilunsad sa pamamagitan ng Kabayan Tuesday Mall Show noong June 4 sa kabubukas pa lang na SM City Caloocan, na pinangunahan ni BDO Remit brand ambassador Piolo Pascual. Tampok din dito ang free shopping spree para sa napiling Kabayan Savings account holder.
Bago matapos ang programa, ginulat ni Piolo ang pamilya Magtabog ng tawagin niya sa stage sina Jhared at Dolores. Matapos kantahan, inimbitahan sila ni Piolo sa isang shopping spree sa SM Store at iba pang partner-stores na kasama sa Kabayan Tuesday. Nasa Japan pa ang nanay ni Jhared na si Maritess noong panahon na yun kaya hindi ito nakasama.
Payo sa mga anak ng Overseas Filipino
Nagbigay din ng payo si Jhared sa kapwa niya anak ng overseas Filipino na maging matatag at laging alalahanin ang mga sakripisyo ng mga magulang nila sa ibang bansa. “Stay strong kasi magiging magkasama din naman kayong lahat. There’s no time to be sad. Ang tanging magagawa mo lang para mapasaya mo rin ang magulang mo is to be grateful to them. Mama, Papa salamat tinutulungan nyo kami. Lahat binibigay nyo kahit hirap na hirap na kayo. There’s no time to get mad at them kasi they’re doing their best. Kung nagagalit man sila sayo, kung pinagbabawalan ka it’s because they care.”
Laking pasasalamat din ni Jhared sa BDO dahil hindi naantala ang padalang remittance sa kanya para sa school tuition at iba pang gastusin sa bahay. “Napakalaking salamat po sa BDO kasi napakabilis po ng response ng BDO kapag magpapadala sila (magulang ni Jhared) ng pera. Parang inabot lang sayo yung pera, napakabilis. Sobrang laking tulong ng BDO sa amin,” ayon kay Jhared.
Mapapanood ang sorpresa ng BDO kasama si PIolo dito: fb.com/BDOKabayan/videos/