Anabelle Rama wala nang paki kay Richard

    417
    0
    SHARE
    Hindi muna makikialam si Annabelle Rama sa anak niyang si Richard Gutierrez ngayong ginagawa nito ang pinakamatinding hamon sa kanyang career bilang ika-10th “Ang Panday para sa Viva Communication, Inc. at TV 5 network.

    Ayon sa sexiest ace director, Carlo J. Caparas, “Iiwasan muna ni Annabelle ang interviews tungkol sa pribadong buhay ni Richard para mabuo ang totoong image ng anak na tahimik at misteryosong tulad ng original ‘Panday’ na si Fernando Poe, Jr.

    “Walang naitatago sa buhay ng kapatid niyang si Ruffa Gutierrez dahil sa madalas nilang pag-aaway in public ng mommy nilang si Annabelle.

    Pero, okey ito dahil napakagandang babae ni Ruffa at hindi maiwasan na maging concerned ang ina sa future nito with her two daughters.

    “Pero, iba nga si Richard. Mahiwaga rin ang dahilan kung bakit ginusto niyang mawala siya sa limelight ng mahigit dalawang taon.

    “Mestiso si FPJ, tulad ni Richard. Pero, hindi maikakailang Pinoy na Pinoy sila sa tipo at personalidad,” ayon pa kay Direk Carlo.

    Ayon kay Carlo, apat na beses ginawa ni FPJ ang “Panday” series para sa Metro Manila Film Festival. At pawang blockbusters ang mga ito.

    “Sina Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada also had their own versions of “Panday” in “Dugong Buhay,” and “Hiwaga ng Panday,” in 1993 and 1998 respectively.

    “Nadagdagan pa ng “Ang Panday” noong 2009 at “Ang Panday” 2 para sa Metro Manila Film Festival para sa Regal Films.

    “Magkakaroon din ng modernized version ang TV5’s adventures ng “Panday” kung saan madi-discover na mayroon palang kakambal si Richard na maghahasik ng lagim at magiging malaking hadlang sa mabuting hangarin ng original “Panday,” pagsisiwalat ni Carlo.

    “Ayaw kong i-reveal kung paano naging foundling si Chard bilang Flavio at kung paano siya napulot sa simbahan ng isang pari at ang kakambal naman ay napunta sa kamay ng Hari ng Lagim,” pagtatapat ni Carlo na creative consultant ng project kung saan si Mac Alejandre ang director.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here