‘An unsolicited advice’

    459
    0
    SHARE

    Di man naging ningas kugon noong una
    Na maupo bilang Alkalde ang isa
    Sa hinahangaan at kinikilala
    Nating ‘among the best’ dito sa Pampanga

    Ay kapansin-pansin ngayon itong tila
    Pagtamlay ng kaunti ng dating masigla
    At halos ay walang pahinga rin yata
    Niyang pagharap sa opisyal na gawa

    Na kung saan alas 7:00 pa lang noon
    Ay nasa opis na ang butihing Mayor
    Upang kaipala’y magsilbing ‘example’
    Sa ‘rank & file’ para maging ‘responsible’

    Sa ‘official duties’ na dapat gampanan
    Ng lahat pati na ‘casual’ at contractual’
    Na kasalukuyang nasa Palingkurang
    Pambayan ng lugar na nasasakupan
     
    Na dati, ayon sa pagka-alam natin
    Ay walang regular na oras ang dating
    At uwian itong ilang ‘magagaling’
    Na empleado riyan bago siya dumating

    At maging Mayor nga sa kanilang bayan,
    Na lubhang malayo sa posisyong tangan
    Bilang may-ari at manager din bilang
    Ng sariling ‘business’ sa kasalukuyan.

    Na disiplinado ang oras ng pasok
    Ng lahat – at siyang pina-iral lubos
    Ni Mayor mula nang siya ang maluklok
    Bilang punongbayan – tulad ng sa lungsod

    Kung saan ang kanyang mga pamalakad
    Sa ‘self own company’ nasa tamang oras,
    At siya kasama ang mahal na kabiyak
    Itong sa sariling negosyo may hawak

    Na pansamantala’y iniwanan muna
    Ang pangangasiwa sa kanyang asawa
    Para lamang makapagsilbi kumbaga
    Sa mga kabalen dito sa Pampanga.

    At talaga namang ginawa ang lahat
    Ni Mayor para lang nito maipamalas
    Ang serbisyong tunay na walang hinangad
    Kundi pagsisilbing malinis at tapat

    At kung saan pati personal na bulsa
    Ng butihing Mayor ay damay lagi na
    Sa bukal sa pusong pagtulong sa masa,
    Lalo sa maysakit na kabalen niya.

    Pero aywan at kung bakit sa kabila
    Ng lahat ng kanyang mabuting nagawa
    Ay para bang hindi nakita po yata
    Ng iba, kaya siya (tinabangang bigla?)

    O medyo nawalan na siya ng gana
    Para magpatuloy sa pagsisilbi niya?
    Dala na rin nitong dismayado siya
    Sa naging takbo ng pinal na resulta?

    Na bagama’t panalo kung tutuusin
    Ay di ganoon lang kaliit ang margin
    Na inaasahan pati sa sariling
    Barangay na di niya sukat akalain?

    Kung kaya maaring siya’y mag-lie low na
    At ang hangaring makapagsilbi sa masa
    Ay baka hindi na katulad nang una,
    Sanhi ng ‘frustration’ na naranasan niya?

    Mayor ang tangi kong masasabi ngayon:
    Harapin ng buong giting ang situasyon
     At huag padala sa sariling emosyon;
    (Isipin palagi na ang uma-ayaw
    At sumusuko nang wala sa panahon
    Ay di nagwawagi sa dakilang misyon!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here