Ngayong namatay na ang isinusulong
Na petition for recall laban kay Among,
Bunsod na rin ng kung reglamentong
Isinasaad ng batas sa eleksyon;
Palagay namin ay absuelto nang lubos
Sa anumang tangkang mapababa si Gob,
Bago ang term nito’y tuluyang matapos
O magbitiw ng walang kaabug-abog!
Na lubhang malayong gawin ni Panlilio
Ngayo’t isang taon na lamang po bago
Maghalalang muli at subok na nito
Ang pasikut-sikot d’yan sa Kapitolyo;
Kung saan sa loob lang ng ilang buwan
Ay ganap na nitong nakita ang kaibhan
Ng pagiging pulitiko kaysa isang
Tulad niyang alagad dati ng simbahan.
Pagkat kung noon ay kampante lang siya
Matapos humarap sa banal na Misa,
Ngayo’y samut-sari ang mga intriga
Na ipinupukol sa kanya ng iba.
Kaya kung di taos sa puso’t damdamin
Ni Gob ang maglingkod ng tapat sa atin,
Ano’t ang ganito’y kanyang titiisin,
Para lamang manatili sa tungkulin?
Di ko sinasabing mahusay humawak
Ng renda si Among kumpara sa lahat
Ng naging governor nitong nakalipas,
Pero di ba’t siya itong mas masipag?
At nasa opis niya ng halos maghapon
Magmula lunes hanggang biernes ng hapon;
Liban na lamang kung may opisyal itong
Lakad sa labas ng provincial capitol?
Sa puntong kung ang ating pag-uusapan
Ay oras ng pasok o kaya’y ‘attendance’?
Di kagaya riyan ng ibang nanungkulan
Na ang lahat na’y tila take for granted lang!
Kaya kung di na nga muling hahabol pa
Si Gob sa pagiging Ama ng probinsya,
Aywan lang kung ang 4th World Best Mayor na
Ang mahimok riyan ng mga supporters niya;
Na siya na’ng humabol bilang gobernador
Kung talagang wala ng balak si Among,
Na magpatuloy sa pagsisilbi ngayon,
Ng walang amigo kundi ilang mayor?
Na kagaya nga po naturang world class
Na alkaldeng di lang sa Pampanga sikat,
Kundi pati na sa buong Pilipinas
Bilang kampeon sa pagsisilbi ng tapat!
Upang ang probinsya naman natin itong
Mabiyayaan ng ganap na pagsulong;
Gaya nitong tinatamasa sa ngayon
Ng Christmas capital o lungsod ng parol.
Na tunay po namang competitive city
In terms of progress for being business friendly;
As well as for having a peaceful society,
That compared with others may consider crime free.
Na posibleng hindi makayang gampanan
Nitong ibang nagnanais manungkulan,
Partikular na ang isang di malaman
Kung saan na naman hahabol muli yan!
Na petition for recall laban kay Among,
Bunsod na rin ng kung reglamentong
Isinasaad ng batas sa eleksyon;
Palagay namin ay absuelto nang lubos
Sa anumang tangkang mapababa si Gob,
Bago ang term nito’y tuluyang matapos
O magbitiw ng walang kaabug-abog!
Na lubhang malayong gawin ni Panlilio
Ngayo’t isang taon na lamang po bago
Maghalalang muli at subok na nito
Ang pasikut-sikot d’yan sa Kapitolyo;
Kung saan sa loob lang ng ilang buwan
Ay ganap na nitong nakita ang kaibhan
Ng pagiging pulitiko kaysa isang
Tulad niyang alagad dati ng simbahan.
Pagkat kung noon ay kampante lang siya
Matapos humarap sa banal na Misa,
Ngayo’y samut-sari ang mga intriga
Na ipinupukol sa kanya ng iba.
Kaya kung di taos sa puso’t damdamin
Ni Gob ang maglingkod ng tapat sa atin,
Ano’t ang ganito’y kanyang titiisin,
Para lamang manatili sa tungkulin?
Di ko sinasabing mahusay humawak
Ng renda si Among kumpara sa lahat
Ng naging governor nitong nakalipas,
Pero di ba’t siya itong mas masipag?
At nasa opis niya ng halos maghapon
Magmula lunes hanggang biernes ng hapon;
Liban na lamang kung may opisyal itong
Lakad sa labas ng provincial capitol?
Sa puntong kung ang ating pag-uusapan
Ay oras ng pasok o kaya’y ‘attendance’?
Di kagaya riyan ng ibang nanungkulan
Na ang lahat na’y tila take for granted lang!
Kaya kung di na nga muling hahabol pa
Si Gob sa pagiging Ama ng probinsya,
Aywan lang kung ang 4th World Best Mayor na
Ang mahimok riyan ng mga supporters niya;
Na siya na’ng humabol bilang gobernador
Kung talagang wala ng balak si Among,
Na magpatuloy sa pagsisilbi ngayon,
Ng walang amigo kundi ilang mayor?
Na kagaya nga po naturang world class
Na alkaldeng di lang sa Pampanga sikat,
Kundi pati na sa buong Pilipinas
Bilang kampeon sa pagsisilbi ng tapat!
Upang ang probinsya naman natin itong
Mabiyayaan ng ganap na pagsulong;
Gaya nitong tinatamasa sa ngayon
Ng Christmas capital o lungsod ng parol.
Na tunay po namang competitive city
In terms of progress for being business friendly;
As well as for having a peaceful society,
That compared with others may consider crime free.
Na posibleng hindi makayang gampanan
Nitong ibang nagnanais manungkulan,
Partikular na ang isang di malaman
Kung saan na naman hahabol muli yan!