‘Amended tax,’ dagdag pahirap

    418
    0
    SHARE
    Kung dahilan lamang sa pagpapatupad
    Ni Mayor sa ilang ‘sleeping ordinance’
    Na di naipa-iral nitong nakalipas
    Na administrasyon ni Ex-mayor Canlas,

    Na siyang dapat nagpa-iral noon pa man
    Sa kung anong sukat nitong inaksyunan
    Ay malayong si Wong ang mapagbuntunan
    Ng sisi hinggil sa pagpapatupad niyan.

    Pagkat gaya nga po ng ating nakalap
    Na impormasyon ay si Digos ang dapat
    Kumilos noon pa upang ipatupad
    Ang ilang ika nga’y panis ng ‘ordinance’

    Kung saan bunsod ng pagiging pabaya
    Sa kung anong dapat gampanan ng kusa,
    Ng dating mayor ay hindi nagkabisa
    Hanggang sa tuluyan na siyang bumaba.

    Kaya nang kumilos ang bagong Alkalde
    Para ipatupad ang dapat mangyari,
    Ay sa balikat na ni Mayor Wong bale
    Nagkapatung-patong ang lahat ng sisi.
     
    Partikular na riyan ang isyung pagtaas
    Na singiling bayan na medyo mabigat
    Para sa iba nating ‘taxpayers,’ kung kaya’t
    Si Mayor Wong itong kwenta lumalabas

    Na awtor ng lahat nitong salukuyang
    Mga ordinansa – na nagpapa-iral
    Ng bagong singilin, na ini-aangal
    Ng ilan bunsod ng ya’y namamahalan.
     
    Gaya ng amilyar at ibang bayarin
    Na ikinagulat ng iba marahil;
    Kasi nga ay di n’yan sukat akalain
    Na yan ay noon pa dapat na isingil.

    At posibeng di lang gaanong maagap
    Ang dating ‘town exec’ sa pagpapatupad
    Ng kung anong mga aprubadong batas,
    Tulad halimbawa nitong ‘amended tax’

    Na ipinasa ng Sangguniang Bayan
    (O ng Congress upang maging batas nga yan?)
    Na di naipatupad nitong nakaraan
    Bunsod ng anumang posibleng dahilan..

    Kung kaya ngayong si Mayor Capule-Wong
    Itong nagpa-iral sa kautusang ‘yon,
    Akala tuloy ng mga apektadong
    Taxpayers natin ay ang butihing mayor

    Ang awtor nga nito kaya’t siya itong
    Tila kinukwestyon sa ika nga’y puntong
    Akala ng iba’y sarili lang nitong
    Kagustuhan nga ang singiling ganoon.

    At kung saan siya ang bagsakan bale
    Sa ngayon ng mga maling paninisi
    Sa kung anong resolusyon nitong SB
    Ng San Simon, na di naipa-iral pati.

    Sa takdang panahon, at kung saan tila
    Sa ‘filing cabinet’ ng Kalihim yata
    Nito ‘pinatulog’ nang napaka-haba,
    Kaya suma total ay nabale-wala.

    Ang kung anong ordinansang nararapat
    Naipatupad noong panahon ni Canlas,
    Na siyang mainit na isyung sinasalag
    Ni Mayor Wong, gaya nitong ‘amended tax’

    At ibang singiling inirereklamo
    Ng ilan, tulad ng Tatlong Daang Piso
    Na ibinabayad ng ‘haulers’ umano
    Ng SKK Steel ng dalang produkto.

    Kumpara sa Isang Daang Piso lamang
    Na bayaring per truckload din ang labanan,
    Sa naghahatid ng ‘scrap’ dito sa isang
    Apalit ‘base’ yatang pabrika ng bakal! 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here