Home Headlines ‘Ambo’ nagpataas sa water level ng 3 dam sa Bulacan

‘Ambo’ nagpataas sa water level ng 3 dam sa Bulacan

730
0
SHARE

Dahil sa dagdag na tubig na dinala ng Bagyong Ambo ay nagbawas pa rin ng tubig ang Bustos Dam. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS
 — Dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ng Bagyong Ambo ay napataas nito ang reserbang tubig sa Angat, Ipo, at Bustos dam.

Batay sa tala ng Bulacan PDRRMO, umakyat ng 2.66 meters ang water level ng Angat Dam dahil sa bagyo.

Alas-6 ng umaga ng Mayo 16 ang water level sa Angat Dam ay 190.19 meters mula sa 187.53meters ng kapareho ding oras noong Mayo 15.

Gayunpaman ay nananatiling normal ang taas na ito mula sa 210 meters spilling level.

Habang nasa 100.71 meters naman ang Ipo Dam mula sa 100.06 meters kahapon habang 101 meters naman ang spilling level nito.

Umakyat naman sa 15.06 meters ang water level sa Bustos Dam mula sa 14.80 meters kahapon.

Nagpapatapon naman ng tubig ang National Irrigation Administration na namamahala sa Bustos Dam para maibaba ang reserbang tubig dito sa 15 meters dahil sa kasalukuyang repair na ginagawa sa isang rubber gate nito.

Hindi naman inaasahan na magdudulot ng pagbaha ang pagbabawas na ito ng tubig sa Bustos Dam sa mga residenteng malapit sa Angat River.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here