Home Headlines Ambassadors napahanga sa Tarlac Belenismo

Ambassadors napahanga sa Tarlac Belenismo

441
0
SHARE
Ipinakita ng Tarlac Heritage Foundation sa mga bisitang ambassadors na ang Belenisno ay pagbuhay sa old traditions ng bayanihan, creativity, ingenuity at pagiging resourceful kung paano binibigyang buhay ng Tarlaqueños ang pagsilang ng Panginoong Hesukristo. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG TARLAC — Manghang-mangha ang mga ambassadors ng ibat-ibang bansa sa mga naglalakihan at makukulay na mga belen sa kanilang pagbisita sa Belenismo nitong Sabado.

Ang mga bumisita ay sina: Ambassador Annika Thunborg at Aaron Tovish ng Sweden; Ambassador Johann Brieger at Madame Roswitha Brieger ng Austria;

Apostolic Nuncio Archbishop Charles Brown; Ambassador Christian Lyster, Madame Cathrine Lyster kasama ang pamilya ng Norway; Ambassador Juha Pyykkö, Riitta Laakso, Pepe Pyykkö ng Finland; Ambassador Karel Hejč at Michelle Hejčová ng Czech Republic; at Ambassador Nicolas Brühl at pamilya ng Switzerland. 

Ayon kina Thunborg at Christian Lyster, wala daw kasing ganitong uri ng belen sa kanilang mga bansa kayat napamangha sila nang makita ang mga belen sa isang diplomatic tour na isinagawa ng Tarlac Heritage Foundation.

Naglalakihan at makukulay daw kasi ang mga belen sa Pilipinas na may ibat-ibang disenyo na gawa sa mga recyclable materials.

Bukod kasi sa pag-showcase ng mga belen ay nakita din nila ang mayamang kultura ng Pinoy pagdating sa pagkain, pagtugtog ng local musical instruments gaya ng rondalla at tribal dance.

Samantala, inaasahan naman ng Tarlac Heritage Foundation na sa pagbisita na ito ng ambassadors ng ibat-ibang bansa ay mas dadami ang foreign tourists na dadayo sa Tarlac sa susunod na Kapaskuhan.

Ayon kay Isabel Cojuangco–Suntay, founder ng Tarlac Heritage Foundation, sa tingin niya ay marami ang mga dayuhan na mahihikayat na bisitahin ang Belenismo dahil mismong ang mga ambassadors na ang magkukwento ng ganda nito sa kanilang mga kababayan.

Kung marami aniya ang mga turista na darating para silayan ang mga belen ay nangangahlugan ito ng mas malaking oportunidad sa Tarlac gaya ng trabaho.

Mula noong 2007 ay taunan nang dinarayo ang Belenismo sa Tarlac lalo na pagsapit ng gabi at kanya-kanya na ng pa-selfie at group picture ang publiko sa mga pambatong belen sa province wide community art-making ng belen.

Ayon sa Tarlac Heritage Foundation, malaking tulong sa turismo at kabuhayan para sa mga Tarlacqueño ang Belenismo Festival kapag panahon ng Kapaskuhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here