Ama binaril ang anak habang binihag ang isa pa

    358
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Isang 58 anyos na lalaki ang bumaril at nang-hostage pa ng kanyang sariling anak sa Sitio Bliss, Barangay Del Pilar, dito.

    Agad na isinugod sa Our Lady of Calcutta Medical Center ang biktima si Jeng Carreon, 23 anyos, isang nursing student na binaril ng kanyang amang si Danilo Carreon at habang sa kasalukuyan ay hinostage pa nito ang 18 anyos na anak na si Mark.

    Ayon sa kapitbahay ng pamilya Carreon na si Ruel Alata, nakipag-inuman umano ang suspek at pag-uwi sa bahay ay nagtalo sila ng kanyang anak na si Jeng, tinatanong kung kasama niya ang kanyang ina.

    Matapos umano noon ay bigla na lamang umalingaw-ngaw ang putok ng baril at nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanyang dalawang binti.

    Lumipas pa umano ang ilang sandali bago naisugod si Jeng sa ospital samantalang hinostage pa ang kanyang 18 na anak na napag-alamang may pagkukulang ang isip.

    Ayon pa sa kapit-bahay ng suspek, hiwalay sa asawa si Danilo at sinampahan pa ito ng kaso ng kanyang asawa dahil sa ginagawa nitong pambubugbog.

    Ayon pa sa mga kapit-bahay, taong 1998 nang unang i-hostage ng suspek ang kanyang anak na si Mark at sinabitan pa ito ng granada.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here