LUNGSOD NG MALOLOS – Nagpahayag ng pagkabahala si Bulacan Governor Wilhelmino Alvarado dahil sa mga pagpapasabog sa minahan ng semento sa bayan ng Norzagaray na hindi kalayuan sa Angat dam.
Ito ay dahil sa posibleng magbunga ito ng lindol na may lakas na magnitude 7.2 Ayon sa gobernador, tuwing ika-3 ng hapon ay nagsasagawa ng pagpapasabog sa loob ng minahan ng semento upang mabuwag ang mga tipak ng silica na dinudurog upang gawing semento.
“Ang kinatatakutan natin ay baka makasama yung pagpapasabog sa West Valley fault line at maging sanhi ng lindol,” ani Alvarado.
Batay sa naunang ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang Angat dam na pinagkukunan ng tubig inumin ng kalakhang Maynila ay nakaupo sa West Valley Fault Line na nakabatay sa ilalim ng lupa mula sa Bulacan hanggang Batangas.
Ayon ay Direktor Rene Solidum ng Phivolcs, kapag gumalaw ang West Valley Fault Line, maaaring maghatid ito ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude, dahil mas mahaba ang faultline, mas malakas ang lindol na nalilikha nito.
Sa kabila naman ng pangamba ni Alvarado, sinabi niya na nakipag-ugnayan na siya sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang tingnan ng operasyon ng mga pabrika ng semento sa Norzagaray.