CALUMPIT, Bulacan – Handa para sa rekonsiliyasyon sa mga di kapartido sa pulitika si halal na Gobernador Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado ng kanyang sabihing “I will extend a reconciliatory hand.”
Kasabay nito ay ang malawakang pagsasayos sa kapitolyo na ayon sa kanya ay gagamitan niya ng “political will” o determinadong pamamahala, na ikinabahala naman ng ilang kawani na nangangambang mawalan ng trabaho.
“I will extend a reconciliatory hands to other members of the Sangguniang Panlalawigan (SP),” ani ng halal na gobernador na mas kilala sa tawag na “Willy” o kaya ay “Alvarado.”
Sa panayam ng Punto Central Luzon, sinariwa ni Willy na sa kanyang panunungkulan bilang bise-gobernador ng lalawigan mula 2007 ay naging kaisa siya ng mayorya ng SP sa pagsuporta sa mga programa ni Mendoza na nahalal bilang kongresista ng ikatlong distrito ng lalawigan sa katatapos na makasaysayang halalan.
Ngunit binigyang diin niya na ang kanyang pakikiisa sa mga programa at proyekto ni Mendoza ay limitado sa mga programa at proyektong naayon sa batas.
Ito ay nangangahulugan na may mga proyekto siyang tinutulan dahil sa ang proseso ay hindi ayon sa batas, katulad ng P11-bilyon Bulacan Bulk Water Supply Project (Bulacan Bulk) na hiniling niya sa korte na ipatigil dahil sa paniniwalang salungat sa batas ang pagpapatibay dito.
Isa sa mga puntos na tinutulan ni Willy sa nasabing proyekto ay ang layunin ng mga nagsulong nito na iurong ang kaso na noo’y dinidinig sa Court of Appeals matapos na iapela ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) matapos matalo sa Regional Trial Court sa Malolos.
Ito ay dahil ang unang isinampang kaso ng kapitolyo na dapat magbayad ang MWSS sa Bulacan sa paggamit nito sa tubig na iniiwi ng Angat Dam na nasa bahagi ng lalawigan.
Ayon pa kay Willy, umaasa rin siya sa pakikisa ng mga mga halal na kasapi ng SP dahil ang ilan sa mga ito ay kasapi na ng SP mula noong 2007 kung kailan siya nagsilbing bise gobernador.
Katulad noong 2007, ang mayorya ng bubuo sa SP mula Hulyo 1 ay hindi kapartido ni Willy.
Batay opisyal na tala ng Commission on Elections, dalawa lamang sa kapartidong Bokal ni Willy ang nahalal sa katatapos na halalan. Sila ay sina Ayee Ople ng unang distrito at Romeo Robes ng ikaapat na distrito.
Ang ikatlong kapartido ni Willy sa SP ay si halal na Bokal Daniel Fernando na isang dating aktor bago nahalal na Bokal noong 2001 at 2004.
Ang iba pang bubuo sa SP ay pawang kapanalig ni Mendoza sa Partido Del Pilar. Sila ay sina halal na Bokal Felix Ople at Michael Fermin ng unang distrito; Ramon Posadas at Enrique Dela Cruz ng ikalawang distrito; Enrique Viudez III at Rino Castro ng ikatlong distrito; at sina Eulogio Sarmiento III at Enrique Delos Santos Jr., ng ika-apat na distrito.
Ang mga kasaping ex-officio ng SP na mga kinatawan ng Sangguiang Kabataan (SK) Federation, Association of Barangay Captain (ABC) at Philippine Councilors League (PCL) ay tinatayang kapanalig din ni Mendoza.
Hinggil sa pamamahala sa kapitolyo, sinabi ni Willy na magsasagawa siya ng malawakang pagsasaayos doon simula Hulyo 1.
“I will put the house in order,” ani Willy at idinagdag na “may leadership will be marked by political will and strong leadership.”
Ikinabahala naman ng ilang kawani sa kapitolyo ang pagkahalal ni Willy bilang gobernador dahil sa posibilidad ng pagbalasa sa mga kawani.
“Magtatanggalan daw,” ani ng ilang kawani na tumangging ipabanggit ang pangalan at pagkakakilanlan.
Ngunit para sa kampo ni Willy, mas malaki ang posibilidad na ang mga matanggap ay ang mga kawaning nasa ilalim ng kategoryang “co-terminus” at “job-order” na hindi kasama sa plantilya ng mga kawani ng kapitolyo.
Hinggil naman sa mga pinasimulang proyekto ni Gob. Mendoza, sinabi ni Willy na ilan sa mga ito ay kanyang ipagpapatuloy, ilan ay rerebisahin, ang ilan ay higit na pauunlarin, at ang iba ay ititigil.
Isa sa mga tiniyak niyang itutuloy na programa ay ang scholarship o pagpapaaral sa mga libo-libong mag-aaral na Bulakenyo.
“Hindi dapat mabahala ang mga estudyanteng nasa ilalim ng scholarship ng kapitolyo, ipagpapatuloy ko ang programa iyan,” ani Willy.