Alonzo, nag-enjoy kay Vice

    354
    0
    SHARE
    Nan-enjoy nang husto ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach sa set ng pelikulang “Beauty and the Beastie” dahil kasama niya sina Vice Ganda at Coco Martin.

    Naging close si Alonzo kay Vice Ganda nang mag-guest ang bagets sa “It’s Showtime” at “ Magandang Gabi Vice” at nakatrabaho naman ni Alonzo si Coco sa special summer episode ng “Wansapanataym Presents: Yamishita Treasure”.

    Ang “Beauty and the Beastie” ay tinatampukan din ng hot loveteam nina James Reid at Nadine Lustre mula sa direksiyon ng box office director na si Wenn Deramas mula sa joint production ng Star Cinema at Viva Films.

    Tapos na ring gawin ni Alonzo ang “Wang Fam,” isang horror-comedy movie na tinatampukan din nina Andre Paras, Yassi Pressman, Pokwang, Benjie Paras at iba pa na dinirek din ni Wenn Deramas under Viva Films at nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here