All’s well that ends well

    359
    0
    SHARE

    NAGING mainit na isyu sa showbiz ang sagutan at demandahan nina Annabelle Rama at dating GMA-7 executive Wilma Galvante noon, kaya naman ngayon, marami sa mga kaibigan nila ang natutuwa na all’s well that ends well na nga sa pagitan nila.

    Katunayan, pumayag agad si Annabelle nang sabihin ng anak na si Raymond na interesado si Wilma na bilhin ang rights ng reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez mula sa E! channel para sa TV5.

    Umoo raw agad ang Gutierrez matriarch dahil “wala na kaming problema ni Wilma.” Katwiran pa ni Tita Annabelle, wala na rin naman sa kanya ang naging dahilan ng confl ict nila ng TV exec noon, ang dati niyang alaga na si JC de Vera.

    Kuwento pa ni Tita Annabelle, walang-wala na silang samaan ng loob ni Wilma at pati ang mga kasong isinampa, na-drop na raw. Bale seven, imbes na six, episodes ang eereng It Takes Gutz… sa TV5, na nagsimula na nu’ng Sabado, 7 p.m., pagkatapos ng PBA Finals.

    Ang second season, sey ni Tita Annabelle, dito lang sa ’Pinas kukunan. Out na raw ang ideyang kukunan sila sa Istanbul, bansa ng dati niyang manugang na si Yilmas Bektas, dahil mas gusto ng mga taga-E! na ipakilala ang ’Pinas sa Asya.

    Isa pa, ani Tita Annabelle, sabi raw ng mga taga-E!, hindi nila market ang Istanbul. Pero, mukhang tuloy daw ang biyahe ng anak na si Ruffa doon. Hindi pa raw alam ni Tita Annabelle kung kailan, pero isasama raw ni Rufi ng ang dalawang anak na sina Lorin at Venice para dalawin si Yilmaz.

    Nang tanungin kung payag siyang pumunta si Ruffa sa Istanbul, sagot ni Tita Annabelle, “Ayaw ko, pero wala akong magagawa kung gusto ni Ruffa.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here