Ayaw mag-reply sa aming text messages si Allona Amor kung totoo ‘yung tsismis na ibinabahay siya ngayon ng isang pulitiko. Pagkakataon na sanang sumagot ng nalaos na bold starlet pero ewan namin kung bakit ayaw niyang sumagot.
Lumalabas kasi sa tsismis na siya ay hinango sa slums ng pulitiko at binigyan ng malaking bahay saka ginawang staff ng opisina ng naturang pulitiko. Ipinalalagay na kabit nga ng pulitikong di na namin papangalan si Allona Amor.
Totoo kaya kung bakit ayaw nang magkomento ni Allona Amor?
Nakausap naming ang isa sa mga ka-close ni Allona, ‘yung reporter na nahila nga niya sa networking deals. “Ang alam ko, may pera si Allona at hindi naman sa slums nakatira. Totoo, nagtatrabaho siya sa opisina ng isang pulitiko, pero wala silang realsyon,”sabi pa nito.
So there!