Allen Dizon muling nagpakita ng galing sa Dukot

    480
    0
    SHARE
    Sa bawat pelikula ni Allen Dizon, he shows some kind of development. Kulang na lang talaga, masabing napakagaling na ni Allen bilang isang tunay na aktor.

    Unang nagpapansin si Allen sa Twiglight Dancers and in fact, nagkaroon pa siya ng premyo sa kanyang role bilang laos na macho dancer sa nagging klasikang movie ni Direk Mel Chionglo.

    Sumunod na nanggilas si Allen ay sa Paupahan which also garnered some nomination for him as an actor at sa maraming technical aspects pa ng naturang film.

    Magaling din si Allen sa Butas na nakita natin kung paano mag-under acting si Allen bilang lalaking iniputan sa ulo ng minamahal niyang asawa.

    Sa Marino naman, very light ang acting niya pero makikita mong talagang defined na defined ang kahusayan niya sa pelikulang ito.

    And finally nga, sa Dukot which is directed by Joel Lanangan, Allen Dizon showed some mastery of acting. Effortless nga acting niya at naipakita niya’ng pains ng isang biktima ng militar nang dukutin sila ng katambal niyang si Iza Calzado.

    Iza was also great actress in this film pero talagang ‘di nagpahuli si Allen sa ipinakita niya.

    Marami nga sa mga technical people na invited sa isang preview ng movie ang nagsabing tiyak ns sasali si Allen sa listahan ng mga actors na nominado sa maraming award-giving bodies next year. Napakagaling nga kasi si Allen in this movie at para sa kanya, learning process ang bawat movie niya. “Sana nga, sa next movie ko, maramdaman ko talagang mahusay na ako. Sa ngayon kasi, I feel ang dami ko pang dapat na matutunan. If they say na mahusay na ako, so far nararamdaman ko rin ‘yun pero para sa akin talaga, kulang pa,” sabi pa ni Allen Dizon na halatang di mawala ang excitement sa bawat papuring naririrnig niya mula sa mga kritiko.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here