Allen Dizon makabuluhang aktor!

    448
    0
    SHARE
    BAGAMA’T isa si Allen Dizon lang sa mga suporta kina Jericho Rosales at Anne Curtis sa “Baler,” ang epic love story na entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival-Philippines 2008, tinanggap ng morenong aktor ang role bilang Lt. Col. Simon Tecson, isang sundalong Bulakenyo na nagpasuko sa mga kalabang Kastila.

    “Kahit suporta lang ako rito, hindi ko pinalampas ang pagkakataong mapasama sa isang historical film. Sina Boss Vincent, Boss Veronique at Direk Val del Rosario ang kumausap sa akin na tanggapin ang pelikula. I trust my home studio Viva Films… Saka mahusay ang direktor namin dito, si Direk Mark Meily. Markado ang role at malaking karangalan na ang mga kaeksena ko rito ay multi-awarded actors tulad nina Phillip Salvador, Leo Martinez at Joel Torre,” paliwanag ng morenong aktor.        

    Para kay Allen, magandang pantapos ng taon ang “Baler.” Sa kabuuan, maganda ang 2008 para sa award-winning hunk actor: naging regular cast siya sa ABS-CBN primetime adventure series na “Kung Fu Kids.” Napasama rin siya sa romantic-comedy film nina Ai-Ai delas Alas at Robin Padilla, ang “Ikaw Pa Rin, Bongga Ka, Boy” sa Viva Films.

    Naging matagumpay ang  pelikulang “Paupahan” ni Joven M. Tan. Initial venture ito ng kanyang ATD Entertainment Productions. Nagkaroon ng extension sa ilang sinehan ang pagpapalabas nito. Magaganda ang review sa “Paupahan.” Binigyan ito ng Grade “B” ng Cinema Evaluation Board (CEB). 

    Sa kanyang ikatlong pelikula niya sa taong ito ay nagbida muli si Allen sa sex-dramang “Room 213” kasama sina Tyron Perez at Gwen Garci sa Viva Films, at  sa direksyon ng premyadong independent filmmaker, si Keith Sicat.

    Bago matapos ang taon ay tatapusin ni Allen ang pelikulang “Butas (Loophole),” kasama niya rito sina Gwen Garci at ang baguhang si Marco Morales. Sinulat at ididirek ni  Alejandro Ramos ( best director nominee sa 2008 Luna Awards at Enpress for his first film “Haw-Ang”), ang “Butas” ay tungkol sa kailapan ng katotohanan sa isang  crime of passion. 

    Dalawang pelikula naman ang gagawin ng ATD Entertainment Productions at nasa pre production stage—Una ang “Dukot,” isang political film tungkol sa extra-judicial killings at human rights violation. Ididirek ito ni multi-awarded director Joel Lamangan base sa panulat ng Palanca awardee na si Boni Ilagan. Kinukuha ang premyadong aktres na si Iza Calzado bilang kapareha ni Allen. Iniaayos na rin ang “Marino” na tungkol sa mga marino at mga iniiwan nilang pamilya tuwing sumasampa sila sa barko.

    Plano ni Allen na magpatuloy sa paggawa ng makabuluhang pelikula at lalo pang hasain ang kanyang pag-arte ng magagandang role.

    “Super-excited ako sa ‘Butas,’ ‘Dukot’ at ‘Marino.’ Ang gaganda ng script at puro mahuhusay ang direktor. Saka iba-iba ang role na gagampanan ko. Pero happy ako sa ‘Baler,’ I”m so proud to be part of this film,” pagwawakas ng award-winning actor.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here