KAHIT NAGSIMULA bilang sexy actor si Allen Dizon, bilang artista ay naging maingat siya sa kanyang mga ikinikilos at never nainvolve sa mga eskandalo lalo nga ang mga sex video scandal na ’yan.
Considering na sexy actor nga si Allen, mas expected nga na siya pa ang mainvolve sa mga ganyan pero ayon sa aktor, it’s not his style. “Hindi ko sisirain ang respeto ng mga tao sa akin, lalung-lalo na ang respeto ng
ka-partner ko.
Hindi ’yan normal para sa akin,” say ng leading man ni Bangs Garcia sa indi film na Lauriana. Hindi raw siya pabor talaga sa gawaing kailangan pang i-video ang pagse-sex ninyong dalawa. Pero siyempre, kanyakanya naman daw trip ’yan. “Trip nila ’yun, eh. Ako, hindi ko trip ’yun. Kumbaga, ginagawa mo na nga, bakit kailangan mo pang i-video?” say niyang natatawa.
“Eh, paano nga kung nag-leak ang video?” dagdag pa niya. “Ang dami nang ganyan, ano?” Hindi raw niya napapanood pa ang sinasabing sex video ni Wally Bayola at may nagkuwento lang sa kanya. Pero wala naman
daw siyang balak panoorin.
Samantala, humanga nang sobra si Allen kay Bangs sa napakahusay na portrayal ng aktres sa Lauriana na idinirihe ni Mel Chionglo. Siya mismo ang nakaisip na kunin ito para sa nasabing title role at mabuti na lang daw at tinanggap ng aktres.
Lalo siyang humanga kay Bangs dahil maging sa love scenes nila ay todo-bigay ang aktres at walang kakiyeme-kiyeme. Sensitibo ang kuwento ng Lauriana at say nga ni Allen, deserving manalo ng award dito si Bangs. Mapapanood ang Lauriana sa lahat ng SM Cinemas nationwide mula Sept. 11-17