Allan K pinagtitiwalaan ng GMA 7

    472
    0
    SHARE

    Biniyayaang muli ng award sa pagiging host ang Pambansang Ilong ng Pilipinas na si Allan K nang tanghalin siyang Best Male TV Host sa katatapos na 25th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club.

    Bale ito ang second award niyang natanggap mula sa PMPC  pero nagmula sa dating show sa ABC 5 na Sing-Galing ang una niyang award na Best Game Show Host.

    Hindi inakala ni Allan na matatalo niya ang kanyang co-hosts sa Eat Bulaga na sina Joey de Leon at Vic Sotto na mas senior sa kanya. Subalit pinagtiwalaan siya ng voting members ng organisasyon sa husay at kakaibang istilo ng paghu-host sa noontime show kaya naman sa kanya ipinagkaloob ang isa sa major awards ng PMPC.

    Ilang taon na ring mainstay ng EB show si Allan at isa siya sa pangunahing atraksyon pagdating sa hosting, pagkanta at pagpapatawa. Hindi niya akalaing ang kanyang kabaliwan at husay sa comedy ay mapapansin ng award-giving body.

    Kaya naman magsisilbing inspirasyon ang tropeyong natanggap upang pagbutihin pa ang talentong ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

    Dahil nga sa natural na husay niya bilang comedian-host, hindi maitatangging naging daan ito upang bigyan siya ng hosting jobs ng GMA Network sa mga nakaraang shows gaya ng The P1M Videoke Challenge, Banda-Oke at Comedy Bar.

    By February, may inihahandang bagong show sa kanya ang GMA dahil alam ng istasyon na asset ang presence ni Allan sa isang programa.

    Bilang pasasalamat sa biyayang natanggap sa Star Awards, nais namang handugan ni Allan ang followers niya sa pagpapatawa, pati na ang humahanga sa kanya sa Eat Bulaga. Isang espesyal na birthday show ang gagawin niya sa Disyembre 17 sa Zirkoh-Tomas Morato, ang Big Day Ni AK, The Birthday Show.

    Siyempre pa, walang tigil na kasiyahan at kantahan ang mapapanood kay Allan pati na ang kanyang mga kaibigan sa show business na nangangakong susuporta sa gabi ng kanyang kaarawan at pasasalamat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here