Aljur kumuha ng batong ipinukpok sa ulo

    400
    0
    SHARE

    NAKAKUWENTUHAN namin ang isang GMA insider tungkol sa very recent na pagsasampa ni Aljur sa korte ng pagpapawalang-bisas sa kontrata niya sa GMA 7.

    Narito ang views niya. “Feeling namin, nag-overreact si Aljur Abrenica tungkol sa mga kantang gustong isama sa album na ginagawa niya na isa sa dahilan kung bakit nagsampa siya ng petition upang ipawalang-bisa ang kontrata niya sa GMA Network.

    Eh, hindi naman makakabawas sa pagkatao niya ang mga kantang ’yon. Suggestions lang naman ’yon.

    Hiningi naman ang opinion niya tungkol doon kaya naman nang sabihin niyang hindi siya kumportable kumanta ng may double-meaning, right then and there, ibinasura na agad ang plano na ’yon ng recording company, ayon sa aming source.

    Dapat ilagay sa utak ni Aljur na lagi siyang bida sa mga series na ginawa niya sa GMA. Never siyang naging support, kaya wala siyang puwedeng masabi na pinababayaan siya ng kumpanya.

    Kahit nga umaani siya ng batikos sa kawalan niya ng husay sa pag-arte, hindi nawalan ng ilusyon ang network na gawin siyang bida, huh! Remember, hindi lang daang-piso ang ginasta ng GMA upang pasikatin siya.

    Milyones ’yon. Hindi ba niya tinatanaw na utang na loob ito gayong ang daming artistang nangangarap maging bida at sikat and yet, walang network na sumusugal at sumusuporta sa kanila?

    Take note na bago nagsampa ng petisyon si Aljur, nabigyan pa siya ng bagong endorsement ng GMA Artist Center sa isang brand ng kape. After nga raw niyang manggaling sa Hall of Justice ng Quezon City, dumiretso siya sa Kapuso Network upang kunan ng TV plugs para sa nasabing endorsement.

    ’Yun nga lang, kahit hindi pa nakukuha ng GMA ang kopya ng reklamo, agad nagpalabas ang management na hindi sila nagri-release ng artist kung walang legal na basehan.
     
    Nabasa namin ang bahagi ng petisyon ni Aljur tungkol nga sa pagpapakanta sa kanya ng may malaswang konotasyon  Tinanggihan niya ’yon. Tapos na sana ang kuwento. Pero obviously, dinamdam niya ’yon.

    Dahil lang doon, binale-wala niya ang pagmu-molde ng GMA sa kanya bilang bankable leading man.

    Eh, sa halip na lawakan ang pag-iisip, naging makitid ang pag-intindi ni Aljur. Nakukulangan pa kami sa kanyang dahilan upang gumawa siya ng legal na hakbang.

    Aba, para tuloy siyang kumuha ng bato na ipinukpok sa sarili niyang ulo, huh!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here