Aljur Abrenica yayakap sa Islam religion para lang kay Kylie Padilla

    491
    0
    SHARE
    Ayaw naming bigyan ng malisya ang pagli-link kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla pero may hinuha kaming sinasadya silang i-link para i-prepare tayo sa kanilang next big project sa GMA 7. Otherwise, secret secret sana ang relasyon nila’t hindi ganyang bulgarang ang nangyayari.

    Present si Kylie Padilla sa surprise birthday party na bigay ng GMA Artist Center kay Aljur Abrenica last Friday sa White House Resto/Bar. Galing sa kanya ang birthday cake na isinalubong sa aktor pagdating nito sa venue.

    Saan ka nakita ng ganoon?  Party ng Artist Center para kay Aljur andun si Kylie, di pa ba malinaw na choreographed yun? Kaya  pustahan, may nilulutong project sa kanilang dalawa.

    At para naman maging kapani-paniwala, nauna na’ng mga blind item na obvious ay sila ang tinutukoy. At sino ang mga proponents?  Mga paid hacks lang naman ng GMA 7.

    O di ba?

    Bawal daw sa ngayon tanungin si Kylie ng questions about her mom at pati panliligaw ni Aljur, hindi tuloy namin alam kung ano ang itatanong dito. 

    Nalaman din naming bawal munang mag-air dance si Kylie after ng minor accident sa Party Pilipinas, kakanta na muna siya. Madaling umalis si Kylie sa party dahil babalik sa taping ng Dwarfina at hinihintay na raw ito.

    Yan ngayon, bawal at marami pang bawal.

    Pero si Rich Asuncion, sumakay sa isyu. Halata ngang pinaghihiwalay sila ng GMA 7. At a time na close na naman sila, heto at nagseselos na si Rich kay Kylie, patunay ay yung mga mapaklang sagot niya tungkol kay Aljur. Sino daw ba yun na may karapatang pagbawalan siya?

    Sa true, nilo-launch din si Rich bilang bagong kontrabida ngayon ng GMA 7 at isinasakay siya sa isyung sina Aljur at Kylie Padilla na sa ngayon.

    May isang kuwento naman tungkol sa panliligaw di umano ni Aljur kay Kylie na nag-birthday kamakailan.

    Nagpa-intimate dinner ang kanyang dad na si Robin Padilla sa Toki Japanese restaurant sa Bonifacio Global City na dinaluhan ng kanyang stepmom na si Mariel Rodriguez, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Queenie, close relatives and friends.  Tapos nang mag-dinner ang grupo nang dumating si Aljur Abrenica na siyang itinuturong nagpapasaya ngayon sa teen-age daughter ng estranged couple na sina Robin Padilla at Liezel Sicangco.

    Pero ayon kay Robin, hindi raw niya maibibigay ang blessing kay Aljur sa panliligaw sa anak. Ayon sa relihiyong Islam, bawal ang boyfriend-girlfriend na relasyon. “Kapag nagkagustuhan ang isang babae at isang lalake, dapat magpakasal na sila agad,” ayon kay Robin.

    Si Aljur naman in an interview, sumumpang di niya paglalaruan si Kylie. Kahit na nag-deny si Aljur na di sila magkarelasyon, malabong paniwalaan yun. Pag kasi ganyang welcome ang lalaki at babae sa mga intimate affairs ng pamilya, asahang may nagaganap ng romanasa.

    “I respect Tito Robin, naniniwala naman ako sa kanya na gusto niyang proteksyunan ang mga anak niya. But the truth is wagas naman po ang hangarin ko kay Kylie, never ko siyang paglalaruan at lagi kong igagalang.”

    At marami raw alam sa Muslim affairs si Aljur. Meaning, puwede na siyang mag-Muslim para lang tanggapin siya ni Robin Padilla.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here