Aljur Abrenica tinamaan ng bad karma

    424
    0
    SHARE

    Tatlong importanteng movies ang nawala kay Aljur Abrenica. Napakalaking tulong sana ng tatlong movie na ito para sa kanyang stature kung hindi lang siya masyadong nag-istariray.

    Nag-backout na kasi yung Mr. Wong ni Robin Padilla na kung saan malaki sana ang role ni Aljur na katambal si Kylie Padilla.

    Una namang nawala sa cast ng Ang Panday si Aljur, and again, malaki ring exposure ito dahil tiyak na isa sa  mga top grossers sa darating na MMFF ang pelikulang ito ni Senator Bong Revilla.

    Dahil kasi sa pasaway na schedule, inabot na ng banas ang management ng Imus Productions na kahit nakailang shooting day na si Aljur, tinanggal pa rin siya.

    Tinanggihan naman nang tahasan ni Aljur ang Hitman ng Viva Films, kesyo ayaw daw niyang gumanap ng bad boy.

    O ayan tuloy, sa tatlong nawala kay Aljur, puwedeng sabihing karma na yun.

    After na mawala ang tatlong pelikula, di kaya mabansagang jinx si Aljur?

    May magtiwala pa kaya?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here