Aljur Abrenica, Kris Bernal parehong may secret lovers

    344
    0
    SHARE

    Sobrang exploited na sa mga blind items yung tungkol sa magka-love team na youngstars mula sa isang giant network ang anila’y may kanya-kanyang lover.

    Obviously, sina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang tinutukoy ng mga blind items.

    It is said na si Aljur ay siyang tunay na na BF ni Rich Asuncion, another Starstruck talent na naging runner up sa nakaraang Binibining Pilipinas.

    Napatsismis na kailan lang, pumunta pa sa Bohol si Rich nang naka-disguise at doon nga, secretly, nagkita sila ni Aljur.

    This, Rich and Aljur did, kasi nga may shooting doon sa para sa isang movie ng Regal Films ang magka-love team na sina Aljur at Kris.

    Dahil sigoro nami-miss na nina Aljur at Rich ang isa’t isa, ayun, sa Bohol na lang sila nagtagpo.

    By the way, si Rich ay tubong-Bohol.

    Dahil dito, sinabihan daw ng mga pinuno ng network sina Rich at Aljur, sampu ng tumatayong manager nila, si Rommel Gacho.

    Kung may secret girlfriend ang young actor, may secret boyfriend din ang kanyang ka-loveteam na si Kris.

    Lihim na lihim ang love affair ng aktres dahil ayaw niya na makasira sa loveteam nila ng aktor ang kanyang boyfriend.

    ‘Yun nga lang, marami ang hindi boto sa boyfriend ng aktres dahil hindi raw siya makakatulong sa career ng kanyang girlfriend.

    Parang hindi lucky sa love ang aktres dahil palaging nakatago ang kanyang boyfriend. Hindi puwedeng ilantad ng aktres sa madlang-bayan ang mga karelasyon dahil kailangan niyang protektahan ang kanyang career.

    Sino nga kay ang lihim na karelasyon ni Kris Bernal?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here