Aljur Abrenica dyowa ng Ampalaya girlash

    386
    0
    SHARE
    Nagka-throat infection si Aljur Abrenica and lost his voice for a while. Halos wala siyang boses nang humarap sa media para sa launching ng kanyang album so he was heavy on antibiotics. Pero dahil mapilit ang media, he obliged with two songs.  Sa presscon, ipinaalam na officially na paghihiwalayin na sila Kris Bernal at siya ay itatambal na kay Rhian kaya naman biglang may announcement na crush niya ang magiging kapareha sa Odessa. He has said that he has a big crush on Rhian, so what happens now to his love team with Kris Bernal? “Kris and I have been working together for three years so iba na ‘yung level ng samahan namin,” sabi niya.

    “Kahit hindi na muna kami ang magkapareha, our close friendship will remain. Siya rin naman, she’ll be paired with Daniel Matsunaga so I’m happy for her kasi mabait si Daniel. This will be a new challenge for us and I’m excited naman to work with Rhian.”

    His album has five songs: the Latin-flavored first single “Sayang Sayang” which has a music video shot at the luxurious Thunderbird Resorts, his revival of Michael V’s “Kailan Kaya,”  Introvoys’ “Di Na Ako Aasa Pa,”  Fra Lippo Lippi’s “Beauty and Madness,” and “Iisa sa Magkabilang Mundo.”  Aljur’s voice is radio-friendly so the minus one versions of all his songs are included in the album. 

    May bago nga kay Aljur at ito yung constant date daw niya si Bianca King?

    “Talaga? The only time I saw Bianca was when I attended the premiere night of her movie, ‘Working Girls.’  I’ve worked with her sa ‘Dyesebel’ and ‘Last Prince” but we didn’t even become close friends. So I don’t know how come we’re now being linked.”

    Go, Aljur, alam mong di totoo ang sinasabi mo. Paano anman kakalat ang balitang lagi mo ka-date si Bawana kung walang basehan. If you don’t know, mismong sa kampo ng Ampalaya Anonymous, to which Bawana is a member, nanggaling ang isyu.

    Tatanggi ka pa?

    Heto naman yung statement ni Kris Bernal tungkol sa paghihiwalay nila ni Aljur.

    Very honest na sinabi ng star ng The Last Prince na si Kris Bernal na hindi naging sila ng ka-loveteam n-yang si Aljur Abrenica.

    Totoo raw na naging sob-rang close sila sa isa’t isa at naging magMU sila, pero never silang umabot sa point na naging magkasintahan.

    Tsika ni Kris, muntik-muntikan na raw silang umabot sa pagiging mag-dyowa. Hindi lang yata raw talaga sila para sa isa’t isa kaya nauwi na lang sa pagiging espesyal na magkaibigan ang kanilang naging turingan.

    At kahit daw hindi natuluyan ang kanilang romansa in real life, napanatili naman nilang best of friends na nagsasabihan ng kani-kanilang saloobin, problema at masasayang nangyayari sa kani-kanilang buhay.

    Kaya naman daw ngayong paghihiwalayin na sila ng GMA7 bilang magka-love-team at ipapareha sa iba, hindi  raw maiwasang malungkot ni Kris dahil three years din tumagal ang kanilang “romansa” sa telebisyon at pelikula.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here