ANG ISYU hinggil sa barangay eleksyon
na pinagpaliban ni Pangulong Digong,
‘and in lieu of holding it in May or June,’
ang DILG na lang umano r’yan itong
pipili at siya’ng pinal na mag-’appoint’
sa mga magiging opisyal ng nayon
Dala na rin nitong si Pangulo mismo
ang nagsabing mahigit kwarenta porsyento
sa mga ‘barangay offi cers’ umano
ang sangkot sa ‘drug trades’ kaya niya ginusto
ang ‘NoEl’ nang di na muling maipuesto
itong ‘protector’ ng iligal na bisyo.
Pero ngayong hayan at napabalita
na itong barangay eleksyon tuloy nga
sa darating na buwan ng Mayo, di kaya
dahil sa posibleng nakalimot yata
si Sir sa binitiwang pananalita
kung kaya marahil ay kumabyong bigla?
At itong aniya’y barangay opisyal
na hinihinalang sangkot sa iligal
na droga at iba pang ipinagbabawal
ay tuluyan nang sa puesto ay matanggal;
at ang iuupo ay ‘appointees’ na lang
upang mabago ang dating kalakaran.
Kung saan at alin ang mga mapera
itong nanalo sa halalan tuwina;
partikular na r’yan itong ang pamilya
at kamaganakan marami talaga;
kaya’t kadalasan laging sila-sila
itong sa puesto ay palitan lagi na.
Gaya na lang nitong sa ibang barangay
na kwenta dalawa lamang itong angkan
na tuwing matapos ang ‘term’ ng isa riyan,
malamang ay itong sinundang Kapitan
ang tatakbo muli sa kadahilanang
wala ng iba pang hahabol kung minsan.
Kaya suma-total kung anong dilenhensya
mayroon ang dating Kapitan ay kanya
na rin ang anumang maiiwan tuwina
nitong pinalitan, kung ito ay droga,
padulas mula sa iligal at saka
bigay ng ‘pollutant’ na mga pabrika.
Di ko ninanais sabihing ang lahat
ng mga barangay opisyal ay ‘corrupt,’
pero di kaunti ang tangi nilang hangad
ay gawing opisyo at maging kalasag
ang tungkulin bilang ‘barangay officials’
para makagalaw nang maluwag-luwag.
Aywan nga lamang kay Pangulong Duterte
kung bakit ang planong pagpapalit pati
ng ‘form of government’ ay tila binalewala
rin yata niya nitong bandang huli;
gayong taas noo niyang noon sinabi
na lahat ng plano niya’y mangyayari.
Pero hayan pati ang ‘contractual basis’
na ipinangako niyang maaalis,
‘yan hanggang sa ngayon ay itinatangis
ng mga ‘workers’ na di lang sampung beses
na-’lay-off ’ at sila’y nabigyan ulit
ng trabaho ngunit ‘casual’ ang kaparis.
Kaya ang dalangin ng nakararami
nating kabayan ay sana si Duterte
ay maging seryoso siya sa sinasabi
at di gawing biro ang sa’ti’y parati
niyang noon pa man pinangako pati
bilang isang maginoong Presidente!