ORANI, Bataan – Dinagsa ng maraming tao noong Biyernes ang alimango at sugpo festival na pinakatampok sa paggunita ng ika-107 Araw ng Orani, isa sa 11 bayan at isang lungsod ng makasaysayang Bataan.
Kilala ang Orani sa lalawigan at kalapit na mga bayan sa matataba at masasarap na alimango at sugpo na alaga sa mga palaisdaan kaya ang mga ito ang isa sa mga tampok sa limang araw na selebrasyon ng nasabing bayan.
Nagsimula ang street dancing sa isang barangay na may limang daang metro ang layo sa plaza kung saan nagpamalas ng galing ang mga batang mag-aaral mula sa elementarya at high school.
Nakasuot ng iba’t-ibang matitingkad na costume ang mga kalahok habang ipinamamalas sa sayaw ang sari-saring paraan ng pangingisda.
Mula sa mga kalsada, ginanap ang exhibition dances sa maluwang na daan sa pag-itan ng plaza at ng magandang Orani Cathedral. Nagpatalbugan sa galing ang mga kalahok na street dancers sa saliw ng nakabibinging tunog ng drums.
Mainit na tinanggap din ng hindi magkamayaw na mga manonood ang isang espesyal number ng Bataan Robotics Group na tinanghal bilang national champion sa larangan ng robotics.