Alice Dixson nilalandi si Derek Ramsay

    564
    0
    SHARE

    HUMANGA si Alice Dixson sa ganda ni Andi Eigenmann na lumabas na anak niya sa When The Love Is Gone na comeback movie niya after ilang taon.

    Nadagdagan ang papuri niya sa young actress nang mapanood niya ang mga eksena nito sa dubbing.

    “Napaka-natural niyang mag-acting. Mana sa mom and dad, ’di ba?” sambit ni Alice nang iharap sa pocket interview ng Viva. May offer rin ang Star Cinema sa kanya na gumawa ng isa pang movie na makakasama sina Richard Gomez at John Lloyd Cruz.

    Sa ngayon, napapanood siya sa For Love or Money sa TV5 kung saan todo ang paglalandi niya kay Derek Ramsay.

    “I like the role. It’s very empowering!” saad ng aktres. Sexy ba sa tingin niya si Derek?

    “Derek has a really nice body! Pero for me, ang type ko kasi matangkad eh! Mas matangkad sa akin!” tugon ni Alice. Paano niya minu-motivate ang paglalandi kay Derek, eh, loveless siya?

    “Ha! Ha! Ha! I try hard! Ha! Ha! Ha! I have my ways!” rason niya. Kung sa movie ay nakikipaglaban siya sa mas batang si Cristine, sa tunay na buhay ba, kaya niyang makipaglaban sa mas batang babae?

    “Hindi! Ibibigay ko na siya!” sagot niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here