Alice Dixson hindi separada

    459
    0
    SHARE
    Kapag nagka-comeback ang isang artistang galing sa ibang bansa, karaniwan na yung sinasabing hiwalay na ito sa asawa. Kunsabagay, maraming beses na itong napatunayan  pero sabi ni Alice Dixson, sila pa rin daw ng dyowa niyang computer artist.  Nagkasundo raw silang isang grandeng bakasyon lang itong pagbabalik niya at may blessing nga siya nito.

    “Sayang naman kasi, narito na ako, so I might just make the most of my stay here,” sabi pa ni Alice in some interviews.

    Actually, kahit noon, she stayed for three years ditto sa atin. Dahil wala pa naman silang anak ng asawa, ayan nga at malaya silang magbabakasyon nang matagalan. “Pero hindi kami hiwalay, kami pa rin talaga and I pray that kanimg dalawa  for the rest of our lives.”

    Pumirma na  nga non-exclusive contract sa TV5 si Alice Dixson para sa Babaeng Hampaslupa. One season ang itatakbo ng first teleserye ng istasyon, pero willing bumalik dito ang come-backing actress ’pag nagkaroon ito ng Book 2.

    Naikuwento nitong dapat guest lang siya sa Inday Wanda ni Eugene Domingo, kaya nagulat at natuwa nang malamang kasama siya sa cast ng teleserye.

    “Hindi ako umoo agad once I got the info, when I realized big project ito at first soap at nang ikuwento ang storyline, napa-oo ako, that time ’di ko pa alam na kasama si Ms. Susan Roces. Ang neighbor ko pa ang nagsabing makakasama ko siya, of course I’m happy because I’ve worked with FPJ before.”

    Plus factor din kay Alice na sina Eric Quizon at Joyce Bernal ang directors ng teleserye. Gamay na niya pareho ang dalawa’t nakasama na niya dati, kaya kahit mahirap ang first few scenes na kinunan sa kanya, hindi siya masyadong nahirapan.

    Anak ni Susan at ina ni Alex Gonzaga ang role ni Alice sa Babaeng Hampaslupa at asawa niya si Jay Manalo. Excited ito sa material na ang alam niya’y hindi pa nagagawa sa TV at tiyak siyang panonoorin kahit hindi Chinese viewers.

    Sa February 7 na ang premiere ng teleserye at may big launching prior to the pilot. Monday to Friday, after Willing Willie ang time slot nito at sa mga susunod na araw, magpo-promote si Alice at ang ibang cast sa shows ng TV.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here