Alden Richards tsinugi sa Eat Bulaga?

    514
    0
    SHARE
    Nagtatanong daw ang AlDub Nation kung bakit wala pa rin sa Eat Bulaga ang Pambansang Bae na si Alden Richards gayung dumating na ito ng Pilipinas mula sa kanyang show sa Dubai.

    Inaabangan ng AlDub Nation si Alden kahapon sa noontime show pero wala ito.

    May nagtsika sa amin na sinabihan diumano si Alden na huwag na munang mag-report sa Eat Bulaga at tatawagan na lang kung kailan. Totoo kaya ito?

    Ang tanong tuloy ng mga fans, binubuwag na ba ang AlDub? Mas pinapaboran na raw ba si Jake Ejercito over Alden?

    May mga espekulasyon na baka naman nakaapekto ang pag-alis ni Alden para magshow sa Dubai at Qatar kung saan ay umalis siya ng January 5 at dumating na sa ’Pinas ng Sabado.

    Pero ang tsika, maayos namang nagpaalam ang kampo niya at nagtatrabaho lang naman ang young actor.

    Nag-email pa nga raw ang GMA Artist sa pamunuan ng Eat Bulaga na aalis siya ng January 5 at pinayagan naman. In fact ay pinilit pa rin nga raw ni Alden na makapasok Eat Bulaga ng January 5 at pumunta pa sa barangay ng kalye-serye kahit may 5:45 p.m. flight ito.

    Anyway, nang may magtanong sa kampo nila Alden kung bakit wala ito sa EB, ang sagot lang nila ay nasa shoot ito sa Alabang para sa isang commercial.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here