Si Alden ang pinakamainit ngayon among all the Kapuso stars na maging ang singer-actor ay hindi makapaniwala sa instant success na kanyang tinatamasa ngayon. Thanks to Eat Bulaga’s Kalyeserye and his split screen loveteam Maine Mendoza na mas kilala bilang si Yaya Dub.
Kung hindi pa siguro nasali si Alden sa “Eat Bulaga” ay baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya ng `himala’ sa kanyang budding career.
Sabi nga ni Lola Nidora (Wally Bayola), ang lahat ay mangyayari sa tamang panahon’ na siyang nangyayari ngayon sa career ni Alden at maging ni Maine Mendoza na hindi rin inakala na magbabago ang takbo ng buhay.