Albie Casino kumuha ng tagapagtanggol na abugado laban sa pamilya ni Andi Eigenmann

    294
    0
    SHARE

    Kumuha pang special lawyer ang pamilya Casino para sagutin ang mga issuers surrounding sa di umano’y pambubuntis ni Albie kay Andi Eigenmann.

    From a reliable source na may communication with Albie Casino, nakatakda raw sagutin ng young actor ang mga akusasyon sa kanya ni Mark Gil, ama ni Andi Eigenmann.

    Hindi raw si Albie ang mismong magsasalita kungdi ang kanilang legal counsel. Minabuti na raw ng pamilya na mag-hire ng abogado para siyang sumagot sa mga ipinupukol na issues sa batang aktor ngayon.

    Ayon pa sa source, wala naman daw balak magdemanda si Albie at kaya lang nag-hire ng lawyer ay para sagutin ang mga issues.

    Matatandaang si Albie ang itinuturo ng marami na ama ng ipinagbubuntis ngayon ni Andi. Kasalukuyang five months preggy ang young actress na napapanood pa rin sa Minsan Lang Kita Iibigin primetime teleserye.

    Kamakailan ay nagpa-interview ang ama ni Andi sa The Buzz at doon ay binatikos niya ang ama ng dinadala ng kanyang anak na bagama’t hindi tinukoy ang pangalan ay pinaniniwalaan ng marami na si Albie ang tinutukoy dahil na rin sa mga kanyang pahayag na obvious na ang young actor ang pinatatamaan.

    Tiyak na aabangan ng lahat ang panig na ito ni Albie na as of this writing ay wala pang sinasabing definite date kung kailan.

    Finally ay natapos na rin ang condo unit na titirhan ni Kris Aquino at ng dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James sa Makati. Exclusive at una niya itong ipinakita sa kanyang morning show na Kris TV last Friday.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here