BALANGA CITY- Isang kakaibang “belen” ang matatagpuan sa Puerto Rivas Ibaba, isang barangay na malapit sa karagatan sa lungsod na ito.
Sa halip na ginto, kamanyang at mira na inialay ng kinagisnang sinasabing Tatlong Hari, ang belen sa lugal na ito ng mga mangingisda ay tuyo, talaba at tahong ang handog nina Melchor, Gaspar at Baltazar sa bagong panganak na Hesus sa hamak na sabsaban.
“Ang mga ito ang kaya lang naming maihandog sa kaarawan ng pagsilang ng Panginoong Hesus,” sabi ng mga mangingisda.
Ang belen ay gawa sa kugon at kawayan at napapalamutian ng mga kapiz na unti-unti na ring dumarami sa karagatan ng Puerto Rivas na binubuo ng Puerto Rivas Itaas, Tortugas at Puerto Rivas Ibaba.
Ito’y itinayo sa harap ng barangay hall na malapit sa daan kung saan iba’t-ibang Christmas lights ang mamamalas.
Tuyo ang pangunahing produkto ng Puerto Rivas na tumanggap na ng mga awards sa One Town One Product program ng Department of Trade and Industry hindi lamang sa Bataan kundi sa Region 3.
Ang talaba at tahong naman ay sagana sa ilang bayan sa Bataan lalo na sa Samal.