BOCAUE, Bulacan – Dead on the spot ang isang alahera matapos siyang barilin sa kanang sintido ng isang hindi pa nakikilalang suspek Lunes ng gabi sa Biniang 1st, Bocaue, Bulacan.
Ang biktima ay nakilalang si Fortunata Palaganas, 61, residente ng Malhacan, Meycauyan, Bulacan at 15 taon ng negosyante ng pag-aalahas.
Ayon sa inisyal na ulat ng Bocaue police, bumaba sa jeep ang biktima dakong alas-otso ng Lunes kasama ang dalawang apo na may edad pito at limangtaon.
Dadalawin nito ang kanyang anak na nanganak sa St. Paul Hospital.
Ngunit pagdating sa panulukan ng Biniang 1st sa kahabaan ng Mac Arthur highway ay nagka-alitan nito ang suspek. Pagkatapos ay bigla na lamang umanong binaril sa sintido ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Pagkabaril ay agad natumalilis ang suspek sakay ang isang lalaki ang naka-abang naman dito at iniangkas siya sa motorsiklo.
Negosyo o matagal ng kaalitan ang isa sa mga tinitignang anggulo ng mga pulis sa krimen.
Ngunit inalis nila ang anggulong robbery holdup dahil sa intact at hindi nagalaw ang dalang mga ari-arian ng biktima.
Naroon pa rin ang mga alahas, celfone at perang dala ng biktima.
Ang bangkay ni Palaganas ay dinala sa Flavel Funeral para sa kaukulang awtopsiya.
Samantala, hindi pa matukoy kung anong kalibre ng baril ang ginamit sa biktima matapos hindi makita sa crime scene ang basyo at slug na ginamit sa pamamaslang.