Al Gore bibisita sa Pinas sa Abril

    302
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Bibisita sa bansa ang environmentalist at dating bise president ng Amerika na si Al Gore bilang pakiisa sa SM Green Retail Agenda.

    “Former US Vice President Al Gore is coming on April 30 next year to join us,” sabi ni Annie Garcia, presidente ng  SM Supermalls sa mga dumalo sa SM Green Retail Agenda 2009 conference na isinagawa sa SM Convention Center (SMX) sa Pasay City noong Lunes.

    Si Gore ay nagsilbing bise presidente ng Amerika mula 1993 hanggang 2001 sa panahon ni dating Pangulong Bill Clinton.

    Si Gore din ang nagpasikat sa mga isyu ng climate change dahil sa kanyang documentary film na “An Inconvenient Truth.”

    Ayon kay Garcia, ang pagdating ni Gore sa bansa ay bilang pagtugon sa imbitasyon ng SM Supermalls at ng SM Prime Holdings.

    Sinabi pa niya na ang pagbisita ni Gore sa bansa ay makakatulong sa SM Supermalls upang ipabatid sa mga tao ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

    “It will be a big boost to our campaign for environmental preservation and conservation,” sabi ni Garcia.

    Ang SM Prime Holdings ay isa sa mga pangunahing kumpanya sa bansa na nagsusulong ng responsableng pagsisinop ng basura bilang pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

    Isa sa kanilang programa ay ang SM Green Retail Agenda kung saan ay hinihikayat nila ang mga tenants ng 36 na SM Supermall sa bansa na magsinop ng basura.

    Maging ang mga kliyente ng SM Supermalls ay hinihikayat din nila na makiisa.

    “We have 2.8-million shoppers everyday nationwide in our 36 malls and we hope we can help in making them aware on the need to protect and preserve our environment,” aniya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here